^

PSN Showbiz

Willie ayaw nang maka-trabaho sina Pokwang at Mariel

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Punung-puno ang Araneta Coliseum nung nakaraang Biyernes dahil muling rumampa ang mga Bench endorser sa kanilang Uncut De­nim and Underwear Fashion show.

Ilan sa mga tinilian nang husto habang ruma­rampa ay sina Dingdong Dantes, Coco Martin, Diether Ocampo, Katrina Halili, Pok­wang, at ang nakakatuwang tandem na MelasonMelai and Jason.

Si Jake Cuenca ang finale sa Russian theme ng naturang show, pero hindi na siya nakakaaliw panoorin at effort na effort ang drama sa rampa kaya parang may sawa factor na sa kanya ang audience.

Mabuti pa si Rafael Rosell nakakalibog pa ring panoorin na nag-Capoiera sabay hubad ng pajama at sabay dukot ng kanyang harapan. Kaya halos lumuwa ang ngala-ngala ng audien­ce sa katitili sa kanya.

Dahil sa rami ng nanoood, nahirapan ang se­curity kaya si Ehra Madrigal na enjoy sa pano­nood ay nadukutan ng camera sa kanyang Chanel bag.

TANONG : Naniniwala ba kayong limang araw lang talaga ang guesting ni Cesar Mon­tano sa Wowowee? Kapag maganda ang feed­back at ratings hindi kaya itutuluy-tuloy na niya ito?

Totoo nga kayang malabo nang bumalik si Wil­lie Revillame sa Wowowee dahil kahit mag­kaayos pa sila ng Dos at puwede na itong bu­malik, alanganin pa rin si Willie dahil hindi na raw ito kumportableng makatrabaho sina Pokwang at Mariel Rodriguez?

TOTOO KAYANG matagal na raw talagang break sina Vic Sotto at Pia Guanio pero napag­kasunduan daw na walang aamin sa kanila at hahayaan na lang na mamatay ang isyu? Ma­maya sa Showbiz Central ay may interview si Pia kay Bossing Vic pero ano naman kaya ang sasabihin nila?

Kung aamin man sila sa break-up, malala­man kayang si Pia ang nakipag-break kay Boss­ing pero wala naman daw third party involve?

TSIKA LANG : Dahil sa pagbabalik ng Hole in the Wall, napatunayang hindi totoo ang nari­nig naming tinanggap ni Michael V ang alok ng ABS-CBN 2 na lumipat sa kanila. O baka wala na­man talagang ganung offer sa magaling na komedyante?

Tingnan na lang natin, pero bukas na magsi­simula ang kakaibang game show nila ni Ogie Alcasid bago mag-Langit sa Piling Mo. Hindi na lang sila lalabas bilang Yaya at Angelina kun­di iba’t ibang karakter ang kanilang gagam­panan.

Pagkatapos ng pelikula nilang Yaya at Ange­lina, napagkasunduan na ng dalawa na huling labas na ‘yun ng ganung karak­ter pero marami pa rin ang humihiling na ga­win nila ang nakakatuwang tandem kaya pa­sul­put-sulpot pa rin ang paglabas nito sa kani­lang nagbabalik na programa.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BOSSING VIC

CESAR MON

COCO MARTIN

DAHIL

DIETHER OCAMPO

DINGDONG DANTES

EHRA MADRIGAL

JAKE CUENCA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with