Antipolo Gob. Jun Ynares katsikahan ni Mother Ricky Reyes
MANILA, Philippines - Matalino, masipag at marangal. Ito si Gob. Jun Ynares ng Rizal. Siya’y supling ng mga dating gobernador Ito at Nini Ynares at kasal kay Andrea Bautista-Ynares na anak ni former Sen. Ramon Revilla at kapatid ni Sen. Bong Revilla.
Si Jun ay tinanghal na Outstanding Local Executive ng DOH-CHD Region IV dahil sa kanyang mga pagbabago at pagpapaunlad sa kanyang probinsiya. Isa siyang doktor by profession at nagkaroon din ng papuri sa pagtulong niya sa Voluntary Blood Donation Program ng pamahalaan.
Panoorin ang Life and Style with Gandang Ricky Reyes sa QTV-11 ngayong Linggo alas-diyes ng umaga dahil may tsikahan sina Mader Ricky at Gob. Jun. Matutuklasan ang kanyang buhay mula pagkabata hanggang maging asawa, ama at butihing public servant. Iisa-isahin din ang kanyang mga programang para sa edukasyon, kalusugan, development at tax collection.
“Magugulat kayo sa mga natapos nang proyekto ni Jun sa Rizal. Hahanga rin kayo sa iba pa niyang plano para sa mga constituents,” sabi ni Mader RR.
Tutok lang sa LSWGRR ng ScriptoVision para sa segment na Great Hair Day na co-host ang seksing si Janna Dominguez at nagpapakita ng make-over na ginagawa ni Mader para palitawin ang angking kagandahan ng mga mapapalad na modelong itinatampok dito.
Makiindak din kayo sa Gandang Body na may madadali pero epektibong dance exercises na ituturo ng Dance Diva na si Regine Tolentino.
- Latest