^

PSN Showbiz

Actor Wanted, Napilitang umalis ng 'Pinas

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Kita ang pagbabago ng facial expression ni Glaiza de Castro nang tanungin kung marka ba ng mem­bers ng Ampalaya Anony­mous ang mag­pa-tattoo? Pare-pareho kasing may tattoo sina Maxene Magalona at Angel Locsin at ngayon ay siya naman.

Nasa right wrist ang tattoo ni Glai­za na Japanese character at flower, pero matagal na raw ang tattoo niya, sabay sila ng kapatid niya at walang kinalaman ang AA. Hindi rin daw ibig sabihin na member lahat ng AA ang pumupunta sa Fuel Bar na pagmamay-ari ni Angel.

Ayaw pang mag-isip ng next project si Glaiza dahil naka-focus pa siya sa Diva, kung saan kay Regine Velasquez siya nagkokontrabida. 

 “Up to now, sobrang surreal pa rin sa akin to be working with her. Tinatanong ko ang sarili ko kung tama bang nandito ako na nakikipag-usap at nakikipagtawanan ako sa kanya. Ini-enjoy ko na lang at sana, enjoy din siya sa akin at ‘di ko ini-expect na ganun siya kadaldal. Hindi ko makaka­limutan ang Diva,” wika ni Glaiza.

* * *

Biglaan ang alis noong isang araw ng isang controversial actor gayung kararating lang niya from abroad. Kinailangan nitong umalis agad ng bansa dahil may naghahabol at hindi siya safe kung mananatili sa bansa.

Hindi maipaliwanag ng aming source kung anong kinakaharap na problema ng controversial actor, basta kinailangan nitong umalis agad at ang masaklap, magtatagal siya sa ibang bansa at hindi raw makakabalik hangga’t hindi naaayos ang problema.

Kung kailan naman ayos na ang lahat sa personal na buhay ng actor and in fairness, may career pa siya rito, pero dahil sa dumating na problema, kailangan niyang talikuran ang lahat.

Kaya nasa ibang bansa ang actor dahil sa mga taong naghahabol sa kanya at umuwi lang sandali para makipagkita sa importanteng tao sa buhay niya at pagkatapos noon, umalis na siya agad. Tahimik na bumalik ng bansa ang aktor at tahimik ding umalis at baka after two years pa raw ito bumalik, kaya goodbye career!

* * *

Mamayang gabi na ang Bench Uncut: Denim & Underwear Fashion Show sa Araneta Coliseum na isa sa mga okasyon na sama-sama ang mga Kapamilya at Kapuso stars. Mami-miss ng tao si Piolo Pascual dahil hindi ito rarampa, pero hindi raw dahil pinagbawalan siya ng church nila, may iba siyang rason.

Hindi pa namin alam kung rarampa si Richard Gutierrez, pero si Dingdong Dantes rarampa al­though hindi rin siya ang finale. Ang tsika, si Jake Cuenca na ang pang-finale, pero bago siya lumabas, mauuna si Aljur Abrenica na ang dinig namin, magpapaseksi at magpapaka-daring!

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

AMPALAYA ANONY

ANGEL LOCSIN

ARANETA COLISEUM

BENCH UNCUT

DINGDONG DANTES

FUEL BAR

GLAIZA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with