Walang planong hiwalayan si Kris, James Yap gustong tuparin ang pangako kay Tita Cory
Mahaba-haba ang statement na ipinadala ng kampo ni James Yap tungkol sa problema nila ng asawang si Kris Aquino.
Ang buod ng statement niya : gusto niyang magkabalikan sila ni Kris para sa kanilang pamilya at ayaw niyang makadagdag pa sa problema ng bayaw niyang presidente ng bansa. Gusto rin daw niyang tuparin ang pangako sa namayapang mother in law na si dating pangulong Corazon Aquino.
Lumambot pa kaya ang puso ni Kris sa asawa na sanga-sanga na ang kuwento tungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay?
Narito ang kumpletong statement ni James.
“Kilala n’yo po naman ako. Tahimik at simple lang akong tao. Tingin ko, itong lahat ng issues na naglalabasan, siguro dapat kami na lang mag-asawa ang mag-ayos in private. Ever since naman, never n’yo akong naringgan ng kung-anu-ano tungkol sa relasyon namin ni Kris.
“Kaya konti lang ang gusto kong sabihin.
“Naniniwala ako sa kahalagahan ng pagkakaroon ng buo ang pamilya. Kaya ipaglalaban ko na mapanatiling buo ang pamilya namin ni Kris anuman ang mangyari. Alam ko, walang pamilyang hindi dumaan sa ganitong pagsubok. Marami na kaming dinaanang pagsubok ni Kris before and I don’t think na ngayon pa kami susuko. Gusto ko talagang i-save ang pagsasama namin dahil siyempre, may anak kami at hindi biro ang halos anim na taon naming pagsasama. Umaasa pa rin ako na darating ang tamang panahon na maaayos ang lahat.
“Marami nang lumabas na mga balita at mas pinili ko na manahimik muna bilang paggalang sa ating bagong Presidente Noynoy Aquino.
“May nagtatanong din tungkol sa hindi ko pagsipot sa inauguration ni President Noynoy Aquino. Nagkausap kami at nag-text ako kay President Noynoy at naiintindihan niya ako. Ayokong makadagdag pa sa napakalaking problema na kakaharapin niya bilang bagong presidente ng ating bansa.
“At isa pa, nangako ako kay Mom Cory na hindi ko pababayaan ang pamilya namin. Na aalagaan ko si Kris, si Josh at si Baby James. Nangako rin kami ni Kris sa harap ni Mom Cory na hindi kami maghihiwalay.
“Alam kong mahirap para sa anak ko ang nangyayaring ito sa amin ng Mama niya pero alam kong darating ang panahon na maiintindihan niya ang sitwasyon. May tamang oras at panahon ang lahat.
“Baby James, ginagawa ko ito dahil sa pagmamahal ko sa pamilya natin. Gusto kong mapanatiling buo ang pamilya natin.
“Kris, marami na tayong pinagdaanan na mas mabigat na problema pa rito pero hindi talaga ako bumitaw. Nanahimik ako palagi bilang respeto sa pamilya natin na hanggang sa ngayon ay gusto ko pa ring manatiling buo. Mahal na mahal ko kayo ng anak ko, pati na si Josh na tunay na anak na ang turing ko.
“Inuulit ko, it’s final, ipaglalaban ko ang pagsasama ng pamilya natin. At sa tulong ng Diyos, alam kong malalampasan natin ang pagsubok na ito!”
By the way, lumabas ang issue na hindi naman talaga invited si James sa inauguration ni President Noy last Wednesday dahil nagbanta si Kris na kung iimbitahin ang basketbolistang asawa, hindi siya dadalo.
Well, ewan ko lang kung alin na ba ang totoo sa rami ng kuwento.
* * *
Nagpakamatay pala ang Korean actor na si Park Yong Ha na nakilala ng Pinoy sa Koreanovela na Winter In Sonata. Thirty three years old si Park at isa sa pinakasikat na aktor sa kanilang bansa.
Nakita raw ito ng kanyang ina na walang buhay at nakabitin sa cell phone charging cable.
Insomaniac daw si Park ayon sa nanay nito at grabeng uminom ng sleeping pills.
May sakit daw ang tatay nito at nag-text ng sorry bago pumasok sa kuwarto at nakitang walang buhay.
- Latest