Vina mas pinaboran ang Kapuso
Sa dinami-rami ng mga kapwa niya Kapamilya stars,walang nagawa si Vina Morales nang desisyunan ng mga bumubuo ng board ng pinamumunuan niyang Ystilo Salon na meron nang 36 branches nationwide na kunin bilang endorser o image model ang Kapuso star na si Geoff Eigenmann.
“Desisyon ito ng board. At Kapuso man o Kapamilya, iisa lang ‘yan. Geoff is an ideal choice dahil bukod sa sikat siya ay maganda pa ang image niya, malaki ang maitutulong niya para mapalaganap ang mga salon ng Ystilo,” sabi ng magandang aktres who together with her sister Sheila and husband Federico Moreno started the business in 1999 and has become one of the leaders in the salon industry.
Merong ibinibigay na serbisyo ang Ystilo na hindi nakukuha sa ibang mga salon tulad ng Aromahair at Soft and Straight rebonding na mula pa sa Switzerland at Germany.
Sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-11th year, sasamahan ni Geoff ang magkapatid na Vina at Shaina Magdayao bilang mga endorser ng Ystilo.
Katulad ng magkapatid, patuloy ang pagningning ng pangalan ni Geoff bilang artista. Hindi na siya mapag-iiwanan nina Vina at Shaina kahit na mas matagal nang artista sa pelikula at telebisyon ang mga ito kesa sa kanya. Both ladies are prime properties of ABS-CBN, si Vina napapanood sa ASAP XV at Agua Bendita at si Shaina ay nasa Rubi, bukod pa sa magkasama sila ni Vina sa ASAP XV, habang si Geoff naman continues to be one of GMA7’s leading men, seen daily in the afternoon series Basahang Ginto.
Dahil sa pagiging magkapatid nila, hindi maiwasan na tanungin si Vina tungkol sa katayuan ng relasyon ni Shaina kay John Lloyd Cruz pero sinabi nitong : “Wala ako sa katayuan para sagutin ito. Respeto ko ito bilang kapatid ni Shaina.Sila na lang ang tanungin n’yo. Basta ako, kaming pamilya ni Shaina are beginning to like him, he’s a nice guy. We’d just like to make sure na mahal niya ang aking kapatid”.
* * *
Kung exciting ‘yung anim na Teen PBB winners, mas exciting sila in person. Ipina-interview sila ng ABS-CBN kamakailan sa entertainment media and, surprisingly, kahit silang mga completely green o baguhan sa mundo ng local showbiz, sinorpresa nila ang mga nag-interview sa kanila with their candidness and honesty.
Sa anim, ang winner at ang mula sa Australia na si James Reid ang nag-uwi ng pinaka-maraming premyo - P3 million na condo, P1million na cash, isang 46’ LCD Sony TV, isang Asian trip para sa 3 destinasyon - HK, Thailand at Singapore at Crystal Clear business package na nagkakahalaga ng P1.5 million. Ang limang kasunod niya na nanalo ay nabigyan din ng cash price, at mga laptop.
Born and bred sa Australia si James na pabaka-bakasyon lang dito sa ‘Pinas kasama ang kanyang ama hanggang sa magdesisyon itong dito na sila manirahan ng permanente.
Si James ang pinaka-sakitin sa anim pero siya rin ang may pinaka-maraming nagkaka-crush.
Si Ryan Bang naman ang Koreanong nagustuhan ko lamang nung huling bahagi na ng search, and only because he cleaned several taxis para makakakuha ng rubber shoes na maibibigay niya sa kanyang ama na isa ring taxi driver sa Korea nung Father’s Day.
Si Fretzie Bercede ( 3rd) ang isa sa dalawang local housemate na umabot ng finals.
Isang Cebuana rin si Devon Seron (4th) na sa kabila ng kahirapan nila ay nakatapos ng high school.
Ayaw naman ni Ivan Dorschner (5th) na makilala dahil sa kanyang kagwapuhan.
Nasa 6th place si Bret Jackson, ang Justin Bieber-Zac Efron look-alike na nagpasyang manirahan na sa Dumaguete City kasama ang kanyang ama pitong taon na ang nakakaraan.
Ngayong tapos na ang PBB Teen Clash, excited naman ang lahat na malaman ang plano ng ABS-CBN para sa anim. Magiging artista rin ba sila? Ito ang inaabangan ng lahat ngayon.
* * *
Napaka-saya ng inagurasyon ni bagong Pangulong Noynoy Aquino. Parang lahat couldn’t wait to let the new president start his term. At this point, lahat ay umaasang mabibigyan niya ng solusyon ang napaka-habang panahon na ipinaghirap ng mga Pilipino. Kaya nga kung ako si P-Noy , manginginig ako sa takot dahil armado lang siya ng kanyang matiim na pagnanasang mabago ang buhay ng mga Pilipino at ang paniniwala na nasa kanyang tabi lamang ang lahat at susuportahan lahat ng mga desisyon niya.
Ang daming showbiz personalities na nakita ko sa ibabaw ng Quirino Grandstand, kasama ni P-NOY. Nagmistula tuloy showbiz affair ang inagurasyon. Andun ang mga Pangilinan, Senador Kiko, Sharon, Frankie, Miel at KC Concepcion, sina Senador Ralph Recto, Gov. Vilma Santos at ang anak nilang si Ryan, Sen. Tito Sotto, Kris Aquino at Baby James, Mikee Cojuangco, APO Hiking Society, Ryan Cayabyab, Madrigal Singers,Charice Pempengco, dating Pangulong Erap Estrada, Noel Cabangon, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Christian Bautista, Gary Valenciano, Jed Madela, Nina, Kim Chiu, Coco Martin, Cherry Pie Picache, Charo Santos Concio ng ABS-CBN, Agot Isidro, at napakarami pang iba.
- Latest