Richard sumama sa buy-bust operation!
MANILA, Philippines - Dumating si Richard Gutierrez sa grand opening ng main branch ng Beauty and Butter, ang one-stop-beauty shop owned by Mikael Coyiuto sa SM Megamall kasama ang inang si Annabelle Rama. Suporta ng actor sa may-ari ang kanyang pagdating dahil anak ito ni Ruby Coyiuto na owner ng Flawless na kanyang ini-endorse.
Natanong si Richard ng press tungkol sa documentary niyang Wildlife for Sale na sa July 11 na ang airing sa SNBO ng GMA 7. First time daw niyang naging field journalist at may buy-bust operation silang ginawa. Sa Palawan nag-shoot si direk Dante Garcia at balak nilang pumunta sa Thailand para i-cover ang smuggling ng ivory tusk ng mga elepante at sa Burma na laganap ang bentahan ng endangered animals.
Mahirap lang daw pumunta sa Burma dahil sobrang mahirap kumuha ng permit at 10 checkpoints ang dadaanan bago makapasok sa lugar.
“Thankful ako sa News & Public Affairs ng GMA na pinili nila ako to host this docu on wildlife at pati na sa awareness sa environment sa Anatomy of a Disaster na susunod ipalabas after Wildlife for Sale. Plano ko ngang magtayo ng Kapuso Foundation focusing on nature and we are going to pursue that,” wika ni Richard.
Samantala, may two days shooting pa si Richard para sa pelikulang In Your Eyes nila nina Claudine Barretto at Anne Curtis at tatapusin niya ito bago siya umalis for Survivor Philippines : Celebrity Edition.
* * *
Last taping day ni Rachelle Ann Go sa Diva last Monday dahil bukas, aalis siya dahil maggi-guest sa concert tour ni Arnel Pineda at one month siyang mawawala. Two weeks ding nag-guest sa kantaserye si Rachelle bilang si Demi, sikat na singer at ka-loveteam ni Joe (Carlo Aquino) na nagbuntis, pero kailangang magpa-abort para sa career.
Tsika ni Rachelle, si Regine Velasquez mismo ang nag-offer sa kanyang mag-guest sa Diva unang pasok pa lang niya sa Party Pilipinas at para ‘di mangapa, pinag-acting workshop siya ng Viva Artist Agency kay direk Laurice Guillen for one day.
Naninibago pero masaya si Rachelle sa first try niya sa acting at ang ayaw lang ay ang puyatan dahil baka maapektuhan ang boses. Kung may role na babagay sa kanya, gugustuhin ni Rachelle na sumubok pa sa acting.
Samantala, natatawa si Rachelle dahil ang ka-loveteam niya sa GMA Network ay si Kyla at may grupo na sila ng fans na tinawag na Shinky. Close na pala sila ni Kyla bago pa siya pumasok sa PP at looking forward siya sa mga gagawin pa nilang duets.
* * *
Nagka-problema pala sa billing ng Muli, ang indie film nina Cogie Domingo at Sid Lucero dahil gusto ng kanilang respective managers na mauna ang kanilang talent. Marami ang nagsasabing kung seniority ang susundin, dapat mauna si Cogie.
Sabi naman ng mga kampi kay Sid, pangalan nito ang dapat mauna dahil mas active ito kay Cogie ngayon at very visible sa movies and TV.
Ang latest na balita, pangalan na ni Cogie ang mauuna at seniority ang sinunod. But how true na hindi pa ito alam ng manager ni Sid na si Ricky Gallardo? Totoo ba ito Noel Ferrer?
Sana sa pagkakagulo nina Cogie at Sid sa billing, hindi makaligtaan ang billing ni Ina Feleo na gumaganap na misis ni Cogie sa movie. Pati na rin ang ibang kasama sa movie.
- Latest