^

PSN Showbiz

Marian si Dingdong na ang endless love

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Big challenge kay Marian Rivera ang End­less Love dahil pinaka-heavy drama ito sa mga ginawa niyang soap at tragic pa ang ending. Pina­dalhan siya ng DVD copy ng original Korean novela at napag-aralan niya ang karakter ni Jenny na kanyang gagampanan. Napansin niyang may mannerism si Jenny ’pag nai-stress at gagayahin niya iyon at dinagdagan pa nga.

Ano ang masasabi niya sa Primetime Queen at Reyna ng GMA 7 na mga titulong ibinigay sa kanya?

“Nagulat ako sa ibinigay nilang title at mala­king karangalan sa akin ’yun pero importante pa rin sa akin na masiyahan ang mga tao ’pag napa­nood ako bilang Marian Rivera at hindi dahil sa title na ibinigay sa akin,” reaksiyon ng aktres.

Natutuwa pala si Marian na muling maka­trabaho sina Dennis Trillo at Nadine Sa­monte na kanyang sinuportahan sa Super Twins.

 “Five years ago nag-support ako sa kanila at masaya ako dahil naging mabait sila sa akin kahit supporting lang ako, kaya mabait din ako sa kanila,” pagbabalik-tanaw pa ni Marian.

Samantala, “oo” agad ang sagot ni Marian kung si Dingdong Dantes na ang endless love niya at “sana” ang sagot sa tanong kung gugus­tuhin niyang sa kasal mauwi ang kanilang relasyon.

“Very proud ako sa kanya, hindi lang ako nakakita ng matalinong tao, edukado at guwapo pa. Gusto ko ’yung ginagawa niyang pagdalaw sa mommy at lola ko at isinasama niya ako sa family niya. Sobra akong touched noong nasa States kami at mawala ang maleta ng mga pinamili ko. Hindi siya nag-shopping dahil hindi niya kayang mamili na nalulungkot at umiiyak ako. Pagdating ng maleta ko, saka siya nagyayang mag-shopping,” tsika ni Marian.

* * *

Nabasa namin ang tweet ni Dr. Vicki Belo na “Jovit (Baldovino) from Pilipinas Got Talent is here. Skin’s bad. Time to work Belo magic.”

Dahil sinisimulan na ni Dr. Vicki ang paglilinis sa mukha ni Jovit, mabubura na ang kanyang pimples by the time na ilo-launch na ang kanyang debut album from Star Records.

Isa pala si Jovit sa mga performers sa inau­­­guration ni President Noynoy Aquino at ito ang biggest performance niya pagkatapos manalo sa Pilipinas Got Talent.

* * *

Aksidenteng nagkita ang current at ex-BF ni Jennica Garcia na sina Alwyn Uytingco at Mart Escudero, respectively nang dalawin ng una ang aktres sa rehearsal nito ng 60th Anniversary Special ng GMA Network sa Araneta Coliseum.

Bago pa makita ni Alwyn si Jennica, si Mart ang kanyang nakita at bilang respeto, aalis na sana ito, pero nakita siya ni Mart at ito ang lumapit sa kanya at kinausap siya. Natuwa si Jennica nang malaman ang nangyari at dahil sa ginawa ni Mart, wala nang ilangan sa mga bagets magkita-kita man sila sa ibang lugar.

Wala na talagang isyu sa tatlo dahil balita na­­­min may napupusuan na si Mart at naghihintay lang ito ng right time para maligawan ang dalaga na Kapuso star din.

* * *

Back-to-school blues ang Monday episode ng Full Time Moms at problema sa trapik at ulan ang pag-uusapan ng mga hosts at guests. Alamin kina Maritoni Fernandez, Joanne Quintas, Tado Jimenez, at Isabel Granada kung ano ang gina­gawa nila para hindi masyadong mahirapan ang kanilang mga anak sa pagpasok sa school.

 Napapanood ang Full Time Moms, 11 a.m., Mon­day to Friday sa Q Channel 11, hosted by Suzi Entrata-Abrera and Christine Jacob-Sandejas.

 

AKO

FULL TIME MOMS

JOVIT

LEFT

MARIAN RIVERA

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with