^

PSN Showbiz

Piolo hindi na jobless!

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Walang nang makakapigil sa pagbabalik sa TV ni Piolo Pascual. Yup, mag-uumpisa na ang Noah sa ABS-CBN primetime bida.

Matagal nang naiinip ang fans ng aktor. Panay na ang emote nila na parang pina­­babayaan na ang kanilang idolo dahil after ng Lovers In Paris nila ni KC Concepcion, naging jobless na siya.

Kaya ayan, maliligayahan na sila.

Anyway, malayo na nga ang narating ng career ni Piolo ha.

Sa unang pagganap niya bilang Primo sa pelikulang Mila na bida si Maricel Soriano, naging daan ito para sa marami pang oportunidad sa career ng actor.

Noong 2002, tinanggap ni Piolo ang walong best supporting actor awards mula sa iba-ibang award-giving bodies para sa kanyang pagganap bilang Eliazar Bar­tolome sa Dekada ’70 kasama sina Vilma Santos at Christopher de Leon.

Ang kanya namang nakabibilib na pagganap sa Lobo ang naging daan para tanghalin siyang Best Actor sa 22nd PMPC Star Awards For Television noong 2008.

Noong nakaraang taon ay gumanap si Piolo bilang William sa indie film na Manila na tungkol sa isang drug addict na gustong buuin ang kanyang mga mahal sa buhay na kahit hindi gaanong kumita ay napansin naman ang kanyang akting.

At habang walang acting job noon si Piolo, naging abala naman siya sa pagkanta.

Yup, palabang singer din siya.

Anyway, gagampanan niya ang karakter bilang Mikael sa Noah, isang pulis na mawawalay sa kanyang anak dahil sa isang aksidente. Makakasama niya dito si Zaijan Jaranilla, ang child wonder na mas kilala bilang Santino. Mula sa isang mala-anghel na bata sa May Bukas Pa, isang naiibang karakter naman ang kanyang gagampanan bilang isang batang lumaki sa gubat sa Noah.

Ang theme song na Kahit Malaho Ka ay kinanta mismo ni Piolo at sinulat ni Ogie Alcasid.

Wala pang timeslot ang Noah.

Si Piolo ang bida rito at hindi totoong support lang siya ni Santino.

* * *

Saang programa sumikat ang linyang ‘Kaya ikaw John, magsumikap ka!’?

Anong awitin ng JoBoxers ang sumikat noong ‘80s?

Sino ang kasama nina Red One, Green Two, Blue Three at Yellow Four sa BioMan?

Yup, mga ganyang klase ng tanong na magbabalik sa mga alaala ng ating buhay-buhay simula Lunes (Hunyo 28) sa Panahon Ko ‘To! Ang Game Show ng Buhay Ko, (PKT) ang pinakabagong programa mula sa ABS-CBN.

Parang exciting dahil wala tayong choice kundi magbalik-tanaw kahit med­yo kabataan pa tayo.

Ayon sa hosts nito na sina Luis Man­zano at Billy Crawford, bawat tanong dito ay may kaakibat na alaala para sa mga manonood at manlalaro.

“Ta­yong mga Pilipino kasi mahilig mag-reminisce at sa PKT itong mga kara­nasan at alaala natin ang magiging susi sa laban kasi ang mga tanong sa show tungkol sa mga bagay, tao, lugar, musika, pelikula, o ideya nitong huling limang deka­da,” paliwanag ni Luis.

Kaya naman bawat grupong mag­lalaro ay may kinakatawang heneras­yon, isang edad 13-19, isang 20-45 at isang 46 pataas. Bawat isa sa kanila ay sasagot sa mga tanong o puzzle tungkol sa kani-kanilang henerasyon.

Sigurado naman si Billy na tatang­kilikin din ang Panahon Ko ‘To! Ang Game Show ng Buhay Ko gaya ng Pilipinas Got Talent, kung saan unang napa­nood ang makulit at nakakatuwang tambalan nila ni Luis bilang mga host.

“Kahit saan ka pang henerasyon galing, mag-eenjoy ka sa PKT. Kasi bukod sa maaalala mo ‘yung mga bagay nung panahon mo, matu­tu­nan mo rin ‘yung uso nung pana­hon ng tatay o lolo mo. So parang bonding na rin ‘yung panonood nito,” aniya.

Ang PKT ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyer­nes 5:00 p.m., pagkatapos ng Banana Split Daily Servings sa ABS-CBN.

vuukle comment

ANG GAME SHOW

BANANA SPLIT DAILY SERVINGS

BEST ACTOR

BUHAY KO

ISANG

KAYA

PANAHON KO

PIOLO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with