^

PSN Showbiz

Away nina Kris at James pinagpupustahan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Bukas na ang last day ni Kris Aquino sa The Buzz. Inaabangan ang pag-apir ni Kris dahil hoping ang madlang-bayan na magsasalita siya tungkol sa hidwaan nila ni James Yap.

Nakahanda ang Showbiz Central sa goodbye episode ni Kris sa The Buzz. Puro Don’’t Lie To Me ang mapapanood bukas sa Showbiz Central at sina Marian Rivera, Dingdong Dantes at Dennis Trillo ang ilan sa mga sikat na artista ng Kapuso Network na isasalang sa sikat na segment ng show.

* * *

Tama ang sinabi ko, darating si former Pre­sident Joseph Estrada sa oath-taking ng Tiangco brothers dahil mahal niya ang magka­patid.

Kahapon ang oath-taking nina Navotas Congressman Toby Tiangco at Mayor-elect John Rey Tiangco sa malaking gym ng Navo­tas.

Si Vice President Jojo Binay ang inimbi­tahan para sa kanya manumpa ang magka­patid. Hating-magkapatid ang nangyari dahil walang labis at walang kulang sa panunumpa nina Papa Toby at Papa John Rey.

Nang nagsasalita na si Papa Toby, biglang nabu­labog ang audience dahil sa biglang pagdating ni Papa Erap.

Hindi binigo ni Papa Erap ang magkapatid na malapit sa kanyang puso. Walang imbi­tasyon si Papa Toby sa Navotas City na hindi pinuntahan ni Papa Erap.

Congrats kay Papa Toby at Papa John Rey.

Siyanga pala, may nagbulong sa akin na si Papa Sonny Belmonte ang susuportahan ni Papa Toby sa botohan ng House Speaker. Naka­dagdag siya sa marami nang boto ni Papa Sonny.

* * *

Nag-renew kahapon si Pauleen Luna ng kontrata sa Renew Placenta. Gabi nang idaos ang contract signing ni Pauleen dahil hindi siya puwedeng mag-absent sa Eat Bulaga.

Kapag may offer na bagong teleserye kay Pauleen, ang mag-taping siya pagkatapos ng Eat Bulaga ang unang request ko dahil mortal sin na hindi siya umapir sa number one noontime variety show ng bansa.

Matagal nang endorser si Pauleen ng Renew Placenta. Maganda ang relasyon namin sa mga bossing ng Renew Placenta dahil madali silang kausap at very supportive.

At alam n’yo ba na ang Renew Placenta ang mga pasalubong at padalang hinihingi sa akin ng mga kaibigan ko na nasa abroad? Kuminis daw ang kanilang balat dahil sa madalas na pag­gamit ng Renew Placenta.

* * *

Totoo ang tsismis na walang big news ngayon sa showbiz, maliban sa lover’s rift nina Kris Aqui­no at James Yap.

Eh hindi pa rin big news para sa ibang tao ang Kris-James issue dahil nasanay na sila sa galit-bati na drama ng mag-asawa.

May pustahan ang mga tao na magkakabati ang mag-dyowa bago ang inauguration ni P-Noy sa Miyerkules pero kapag wala si James, nangangahulugan ito na hindi pa sila bati ni Kris at isang sign na matindi ang kanilang tampuhan.

* * *

Ginanap kagabi ang 1st Film Awards ng MTRCB. Panoorin ninyo ngayong hapon sa Star­talk ang kumpletong listahan ng mga nagwa­gi sa pinakamalaking project ni MTRCB Chair Consoliza Laguardia.

Bilang na ang araw ni Mama Consoliza bilang pinuno ng MTRCB pero hoping ang mga nagma­mahal sa kanya na ire-reappoint siya ni Noynoy dahil maganda ang naging pamamalakad niya sa MTRCB.

* * *

Enjoy si Janice de Belen sa pagiging lola at sinabi niya ito sa presscon ng Endless Love.

Certified lola na si Janice dahil may baby boy na si Luigi, ang lovechild nila ni Aga Muhlach.

Nauso noon ang salitang “Anak ni Janice” dahil sa isang hit horror movie na pinagbidahan niya. Ngayong lola na siya, “apo ni Janice” ang ipinau­uso ng mga baklesh para ma-justify ang pagiging grandma ni Janice.

vuukle comment

DAHIL

EAT BULAGA

JAMES YAP

JANICE

PAPA

PAPA ERAP

PAPA TOBY

RENEW PLACENTA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with