Boy nagsalita NA sa pagiging first adopted brother
MANILA, Philippines - Noynoy Day na nga ang tawag sa June 30 matapos ideklara itong Holiday ng Malacañang para ipagdiwang ang inagurasyon ng 15th Philippine president na si Noynoy Aquino. At kasabay ng kasiyahan ay ang pag-aabang ng sambayanan sa mga pagbabagong magaganap sa bansa.
Sa July issue ng The Buzz Magasin, tampok ang isa sa mga strong supporters ni President Noynoy na si Boy Abunda, na minsang biniro ni Kris Aquino bilang kanilang First Adopted Brother.
Sa P.O.V. section ng The Buzz Magasin, ibinahagi ni Boy ang ilan sa kanyang mga saloobin sa nalalapit nang pagsisimula ng Aquino administration. Ayon kay Boy, sa kinahinatnan, positibo siya sa pag-asang hatid ng bagong Pangulo, partikular sa industriya ng showbiz.
“Yung proximity ng buhay niya sa showbiz ay malaking bagay. ‘Yung lapit ng relasyon ni Kris sa showbiz saka naming mga kaibigan…siguro naman ay mayroon tayong access doon sa presidency kung anuman ang mga concerns.”
Dagdag na pahayag ni Boy sa The Buzz Magasin, “Kasi when you talk of the industry, you’re talking about the music industry, movie, television, entertainment writers, entertainment group, the managers’ group. Siguro kailangang bumuo ng isang committee para pag-usapan ang concerns ng industriya at kung ano ang mailalapit sa magiging Presidente.”
Bukod kay Boy Abunda, tampok din sa July issue ng The Buzz Magasin ang iba pang maiinit na showbiz balita kabilang na ang pag-amin ni John Lloyd Cruz sa tunay na relasyon nila ni Shaina Magdayao; pagkuha ni Charice kina Oprah Winfrey at Kris Aquino bilang kanyang mga ninang; at ang isyu sa pagitan nina Willie Revillame at Jobert Sucaldito at ang iba’t ibang opinyon ng mga taong nakapalibot sa kanila.
Alamin din ang mga updates sa buhay nina Aga Muhlach, Anne Curtis, KC Concepcion at Pinoy Big Brother Double Up winners Jason Francisco at Melai Cantiveros.
- Latest