Patrick puro talak lang, anak ni jennylyn'di naman dinadalaw
Nagtataka lang si Jennylyn Mercado kung bakit palaging sinasabi ni Patrick Garcia na hindi pa nito nakikita ang anak niyang si AJ gayung hindi naman niya ipinagkakait na makita o madalaw nito ang bata. Siguro daw nung una lang, nung masama pa ang kanyang loob sa aktor, pero nang nag-decide siya na ayaw na niyang may kaaway, she has left all her doors open para sa anumang paraan na maisip ng ama para makita ang bata. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong ginagawang paraan.
Palagi kong nakakausap si Patrick at maski sa akin ay sinasabi niya ang kasabikan niyang makita ang kanyang anak. Nagagalit nga ako kay Jennylyn dahil akala ko sa side niya may problema, kay Patrick pala.
Patrick, it’s your move! Sana totoong gusto mong makita ang anak mo, bago pa siya magkaroon ng legal na tatay.
* * *
Wala talaga akong masabi sa mga talentadong Pinoy, to borrow TV5’s title of their hit program. Kahit saang mundo kasi ay nag-i-excel tayong mga Pinoy. Akalain mo na ang dancer-choreographer pala sa Toy Story 3 na nag-choreograph ng sayaw ni Buzz Lightyear ay ang Fil-Am na si Cheryl Burke, ang champion sa Dancing With the Stars. Ang isa naman sa mga animators din dito ay isang Pinoy din na si Gini Santos na naging animator din sa A Bug’s Life, Monsters, Inc., Finding Nemo, at marami pang iba.
I’m sure mas darami ang manonood ng Toy Story 3 dahil gusto nilang makita ang produkto ng mga ipinagmamalaking kababayan. Ganito naman tayo, palaging proud sa achievement ng mga kabayan natin lalo na sa abroad.
Tulad ni Charice na finally ay kasali na sa pinapanood na seryeng Glee. Ngayon ay mas tumaas pa ang status ng isang kababayan dahil may serye na siya sa US! Kung noon ngang mapasama siya sa pelikula ng Alvin and the Chipmunks ay proud na tayo, ngayon pa kayang hindi eh napakasikat ng TV musical na Glee.
Well, congrats sa kanilang lahat at sana’y dumami pa sila. Panahon na para makilala sa mundo ang kakayahan at talento ng mga Pinoy sa lahat ng panig ng mundo.
- Latest