Problema nina Kris at James hindi na bago
Tuloy ang show ni Lucy Torres-Gomez sa QTV 11 kahit kongresista na siya. Hindi iiwan ni Lucy ang Sweetlife pero mababago ang kanyang taping days para hindi magkaroon ng conflict sa schedule niya sa Congress.
Tuwing Lunes at Martes ang schedule ng taping niya dati para sa Sweetlife at dahil House Representative na siya, ginawang Huwebes at Biyernes na ang kanyang taping days. Walang conflict sa hosting job ni Lucy sa P.O.5 dahil walang opisina tuwing Linggo.
Accidental politician si Lucy dahil ang kanyang mister na si Richard Gomez ang talagang may ambisyon na maglingkod sa bayan. Sure ako na magiging mahusay na kongresista si Lucy, sa tulong ni Richard.
Kung kakandidato uli si Richard sa susunod na eleksiyon bilang congressman sa 4th District ng Leyte, siguradong wala nang kukuwestiyon sa kanyang residency.
* * *
Nakakaloka naman ang pahayag ni Mang Peping Cojuangco na nagsisisi siya dahil ipinangampanya niya ang kandidatura ni Senator Mar Roxas.
Nakakaloka dahil hindi pa man nakakaupo sa puwesto ang kanyang pamangkin, may mga isyu kaagad na sangkot ang mga kamag-anak ni incoming President Noynoy Aquino.
Wala pa nga sa puwesto si Noynoy, nagkaroon uli ng isyu na may problema ang pagsasama nina Kris Aquino at James Yap.
Naglabas na si Kris ng official statement tungkol sa kasalukuyang sitwasyon nila ni James pero hindi siya nagbigay ng clue sa ugat ng kanilang misunderstanding.
Basta ang alam ko, hindi kasama si James sa Disneyland trip ni Kris at ng kanilang mga anak sa Orlando, Florida.
Kababasa ko pa lang ng bagong issue ng YES! Magazine tungkol sa bakasyon ng mag-iina sa Boracay noong May. Hindi kasama si James sa Boracay vacation kaya correct ang sinabi ni Kris na may problema na sila ng kanyang dyowa noong panahon ng kampanya at eleksiyon.
* * *
Mahilig ang mga Pilipino sa mga balita tungkol sa mga personal na buhay ng mga artista at mga kilalang tao kaya mas interesado sila na malaman ang tunay na rason ng away nina Kris at James.
Natabunan tuloy ng Kris-James fight ang isyu tungkol sa pagtawag ni Tetay sa mga senador para si Senator Kiko Pangilinan ang iboto nila bilang Senate President, isang bagay na ikina-hurt ni Senator Franklin Drilon.
* * *
Bukas ang joint oath-taking nina Congressman Toby Tiangco at Navotas City Mayor John Rey Tiangco.
Si Vice President elect Jojo Binay ang special guest sa oath-taking ng magkapatid na very lucky sa pulitika. Imagine, wala silang mga kalaban noong nakaraang eleksiyon?
Pero kahit walang nangahas na lumaban sa Tiangco brothers dahil napaunlad nila nang husto ang kanilang bayan, nangampanya pa rin sila sa mga kababayan nila sa Navotas City.
Mahal na mahal ni Papa Joseph Estrada si Papa Toby dahil loyal ito sa kanya. Hindi iniwanan ni Papa Toby si Papa Erap noong makulong ito. Hindi ako magtataka kung biglang lumitaw bukas si Papa Erap sa oath-taking ng Tiangco brothers!
- Latest