^

PSN Showbiz

Melissa Ricks nakipagbalikan kay Jake, Jolo limot agad

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Mahigpit ang imbitasyon sa announcement ng Most Beautiful Stars ng YES Magazine sa Crowne Plaza Hotel kaya nagpunta ako, itsurang umuulan, trapik at nalalayuan ako sa venue.

In fairness, no regrets ako dahil masarap ang mga pagkain sa buffet table at nag-enjoy ako sa tsikahan portion ng mga reporter.

Isang magandang dalaga ang lumapit sa akin at nagpakilala na siya raw si Regina na anak ni Miguel.

Huli na nang ma-realize ko na si Papa Miguel Belmonte ang Miguel na tinutukoy ng magandang bagets.

Siya pala ang panganay na anak nina Papa Miguel at Mama Millette.

Bumilib ako kay Re­gina dahil imbes na magtrabaho sa Star Publishing Inc., mas pinili niya na mag-work sa Cosmopolitan magazine ng Summit Publishing Inc.

Hindi ko akalain na dalaga na pala ang panganay na anak nina Papa Miguel at Mama Millet. Nagbilang tuloy ako kung ilang taon sina Papa Miguel at Mama Millet nang magpakasal sila.

* * *

Kasali sa listahan ng Most Beautiful si Ron Morales na hindi ko nakilala nang makita ko siya kahapon sa presscon ng YES.

Naalala ko lang si Ron nang may magbanggit na napapanood siya dati sa May Bukas Pa.

Favorite show ko ang May Bukas Pa kaya na-recognize ko si Ron na nag-iba ang itsura dahil pinaigsian niya ang kanyang buhok.

Hindi ako masyadong pamilyar kay Jason Abalos dahil hindi ako nakaka­panood ng mga afternoon program ng ABS-CBN. Nakilala ko siya dahil may nagsabi sa akin ng kanyang pangalan.

* * *

Dumalo sa presscon ng Most Beautiful Stars si Melissa Ricks na na-meet ko noon sa presscon ng isang pelikula ni Vic Sotto.

Si Melissa ang young actress na nali-link kay Jolo Revilla. May nagkuwento sa akin na nakipagbalikan daw si Melissa kay Jake Cuenca kaya tapos na ang sweet moments nila ni Jolo.

* * *

Sina Aljur Abrenica, Kris Bernal, Jay-R, at Ogie Alcasid ang mga Kapuso star na umapir sa event ng YES Magazine.

Parang nagulo ang mundo ni Mama Jo-Ann Mag­lipon nang dumating si Ogie. Itinigil ni Mama Jo-Ann ang kanyang mga sinasabi nang ma-sight niya ang pagdating ni Ogie.

Si Mama Jo-Ann ang nagkuwento sa akin na kakanta si Ogie sa inauguration ni President-elect Noynoy Aquino sa Quirino Grandstand na susundan ng isang show sa Quezon Memorial Circle. Performer din si Ogie sa free show sa Quezon Memorial Circle.

Isa si Ogie sa mga favorite star ni Mama Jo-Ann. Hangang-hanga si Mama Jo-Ann sa kabaitan at professionalism ni Ogie.

* * *

Magaganda ang mga pictorial ng mga artista sa Most Beautiful Stars magazine dahil mga de-kalibre na photographer ang kumuha ng kanilang mga glossy picture.

Ipinaliwanag ni Mama Jo-Ann na wala sa listahan ang ibang mga artista dahil kasali na sila sa past issues ng special issue ng YES Magazine.

Sumaglit nga pala sa event si Mother Lily Monteverde pero hindi ito nagtagal dahil may dadaluhan pa raw siya na prayer meeting.

AKO

DAHIL

MAMA

MAMA JO-ANN

MAMA MILLET

MAY BUKAS PA

MOST BEAUTIFUL STARS

OGIE

PAPA MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with