^

PSN Showbiz

Kaya mortal na magkaaway BF ni Heart naka-date ni Bianca

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Parang hindi kami makapaniwala sa pahayag daw ni Heart Evangelista na hindi raw niya kilala si Bianca King dahil ang alam namin at bago pa sila pagsamahin sa Glam Girls ng Party Pilipi­nas, nagkatrabaho na sila at ito’y sa music video ng Hale ng kantang Bahay Kubo.

Si Bianca ang director at si Heart ang love inte­rest ni Champ, vocalist ng Hale at ex-BF ni Bianca. Sa behind-the-scene ng music video, nakitang mag­kakasama sina Bianca, Champ at Heart na tiningnan ang video assist.

Siguro ang gustong tukuyin ni Heart ay ‘di niya masyadong kilala si Bianca, pero napa-puzzle pa rin ang press kung bakit sila nagka-isyu, may nang­yari ba sa kanila before na hindi pa alam ng movie press? Kahit si Heart, hindi alam ang tsikang nag-date dati sina Bianca at BF niya ngayong si Isabela City Vice-Mayor Ian Dy.

Siyanga pala, bakit hindi ipasok si Bianca sa Langit Sa Piling Mo bilang dagdag na kontrabida ni Heart? Hanggang this week na lang ang The Last Prince at wala pang kasunod na project sa GMA 7 si Bianca. 

***

Hindi lang pala sa SNN at The Buzz mawawala si Kris Aquino dahil pati Twitter account nito ay isina­ra na rin para sa privacy ng kanyang pamilya. Kaya kung gugustuhin ng press na siya’y ma-inter­view, kailangan pa siyang hanapin at magpa-schedule.

Hindi gaya dati na puwede siyang puntahan sa SNN at The Buzz at pagkatapos ng show, puwede siyang tsikahin. Bale ba, magiging busy pa si Kris sa project niyang pamamahagi ng school supplies sa mga bata at nationwide ito, kaya mahirap na siyang ma-interview.

 “Wala pa naman” ang sagot sa amin nang aming tinanong kung anong special na gagawin sa dalawang shows na iiwan ni Kris. Hanggang June 25 na lang siya sa SNN, at June 27 naman ang last Sunday niya sa The Buzz.

Anyway, kahapon sa Zamboanga ang outreach program nina Kris at mga kapatid na sina Ballsy at Viel and this Tuesday, nasa Cebu sila ni Boy Abunda para pa rin sa outreach program.

***

Bayolente ang reaction ng fans ni TJ Trinidad at viewers na rin ng Diva sa nasulat namin dito sa PSN na magtatambal ang aktor at si Jennylyn Mer­­cado sa isang episode ng Love Bug. May bi­nuk­san silang thread sa PEX para lang dito at masisipag mag-email sa press.

***

Isa kami sa na-email nina Finn Ramos at Sire­ne Ann na todo ang pakiusap na ‘wag i-pull out ang actor sa kantaserye at kung saan, siya ang guma­ganap sa role ni Martin. Si Finn ay TJ-Kris­tine Hermosa fan, pero tanggap si Regine Velas­quez na kapareha ng actor at nagre-request ng follow-up soap ng dalawa.

Walang dapat ikabahala ang fans ni TJ dahil kahit gawin niya ang Lovebug nila ni Jennylyn, hin­di siya aalisin sa Diva. Four to five days lang ang taping ng Lovebug at kahit sa Cambodia sila mag-taping, hindi maapektuhan ang labas sa Diva ni TJ at nabanggit ng aktor in an earlier interview na up to the end ng kantaserye ang partisipasyon niya.

vuukle comment

BAHAY KUBO

BIANCA

BIANCA KING

BOY ABUNDA

FINN RAMOS

GLAM GIRLS

HANGGANG JUNE

HEART EVANGELISTA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with