^

PSN Showbiz

Kesa mag-ampon ng bata: Ogie at Regine mas gustong mag-alaga ng mga aso

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Medyo mataba si Sunshine Dizon nang du­mating sa selebrasyon ng 60th anniversary ng GMA 7 sa Araneta Coliseum nung nakaraang Biyer­nes. Kasama niyang dumating ang asawang si Timo­thy Tan at si Mommy Dorothy. Pero ayaw sa­gutin ni Sunshine ang tanong namin kung buntis na ba ito.

Totoo, hindi pa siya buntis pero ramdam pa rin niya ang mga symptoms ng isang nagdadalang-tao. Kaya pakiramdam niya, buntis nga siya.

 “My Mom is advising me not to say anything. She said keep quiet if they ask you about preg­nancy, don’t say anything, baka mausog. I’m not sure. I’ll know pro­bably by the end of the month and I’m praying and I hope people would also pray for me. Sana birth­day gift na rin ni God kasi my birthday is on July 3, so, sana ibigay na niya,” paha­yag ni Sunshine.

TANONG : May balak nang mag-am­pon sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid?

“Hindi pa. Medyo mabigat na respon­sibilidad ’yan. Hindi ganun kadali ’yun, sigu­ro pag-iisipan muna namin nang ma­buti bago namin pasukin ang pag-aampon,” sagot ni Ogie.

Kahit si Regine ay ganundin ang sagot dahil masaya naman silang dalawa muna at walang ala-alagang baby.

Nabanggit noon ni Ogie na ang balak ni Regine ay magdagdag pa ng aalagaang aso dahil gusto nilang makabuo ng Beatles.

Meron na silang asong alaga na pinangala­nang George. Kukuha pa sila ng tatlong aalagaan na papa­ngalanan nilang Paul, John, at Ringgo para buo ang Beatles nilang doggies.

TOTOO KAYA ang kuwentong nakarating sa akin na nangyari sa isang malaking showbiz event kamakailan lang na inilipat ng dressing room ang isang magandang young actress dahil sa request daw ng guwapong aktor?

Ayon sa nasagap naming kuwento, nasa nasabing dressing room din ang girl­friend ni guwapong aktor at kitang-kitang hindi sila komportable sa presence ni magandang young actress.

Dedmahan ang tatlo sa loob ng dressing room kaya para walang tensiyon sa loob, kahit hindi pa tapos mag-makeup si magandang young actress, inilipat na lang ito sa kabilang kuwarto.

Tiyak na naramdaman ni magandang young actress ang tensiyon sa paligid, pero ewan ko lang kung alam niyang mismong si guwapong aktor na dati rin niyang naka-partner sa isang programa ang humiling na ilipat ito ng dressing room.

TSIKA LANG : Muling nagkita sina Lolit Solis at Gabby Concepcion sa presscon ng huli na ginanap sa Congo Grill, Morato nung nakaraang Sabado.

Para sa concert ni Gabby ang nasabing presscon na pinamagatang Gabby’ng K Ganda na gaganapin sa Music Museum sa July 2 at 3.

Nabigla si Gabby pagdating niya dahil nandun si Manay Lolit na parang na-miss nila ang isa’t isa.

Sandaling nagkuwentuhan at nai-share pa ni Manay Lolit na madalas silang nag-aaway noon ni Gabby dahil pinipilit niya itong pakantahin.

Naniniwala na noon pa si Manay Lolit na may boses at puwedeng singer ang dating anak-anakan.

Tama si Manay Lolit. May boses nga ang dati niyang anak-anakan.

Ngayon ay pa-concert-con­cert na si Gabby at may con­fidence na itong kumanta.

Nahulaan pa ni Manay Lolit na ang paboritong kantahin ni Gabby ay Nandito Ako.

Ang ending, naharbatan ni Manay Lolit si Gabby ng one thousand pesos. Pangalawang harbat daw niya ’yun, dahil una niya itong naharbatan ng 100 dollars nang minsan silang mag­kita sa Amerika noon.

ARANETA COLISEUM

CONGO GRILL

GABBY

GABBY CONCEPCION

K GANDA

LOLIT

LOLIT SOLIS

MANAY LOLIT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with