Sen. Villar at Gibo nagkuwento tungkol sa pagiging ama kay Mother Ricky
MANILA, Philippines - Ngayong Linggo na ipinagdiriwang ang Father’s Day kaya naman sa QTV-11 show na Life and Style with Gandang Ricky Reyes ay dalawang ginoong ‘di lang dakila sa public service kundi pati sa pagiging haligi ng tahanan ang itatampok. Sila’y sina Sen. Manny Bamba Villar, Jr. at Sec. Gilberto Cojuangco, Teodoro Jr.
Ipinanganak sa Tondo nung December 11, 1949 si Manny na unang nanungkulan bilang kongresista ng Las Pinas nung 1992 at senador nung 2001. Ang dating Rep. Cynthia Aguilar ang kanyang kabiyak at sila’y biniyayaan ng tatlong anak – Manuel Paolo Villar III, Mark at Camila Linda na lahat ay puro papuri ang maririnig tungkol sa mapagmahal na ama.
Three term-member ng House of Representatives for the 1st district of Tarlac si Gibo hanggang hirangin siya ni Pres. Gloria Macapagal-Arroyo na Secretary of National Defense taong 2007 hanggang 2009.
Ang maganda at mabait na kabiyak ni Gibo na si Monica Prieto ang 1st District of Tarlac representative ngayon. Isa lang ang anak ng mga Teodoro na si Jaime Gilberto na itinuturing na napakapalad niya sa pagkakaroon ng amang tulad ni Gibo.
Sa huling Linggo ng June ay may final demo si Mader Ricky sa Great Hair Day ng mga hair style at make-up para sa June brides na ang co-host ay si Janna Dominguez.
- Latest