^

PSN Showbiz

KC masaya sa 'Answered Prayer'

-

MANILA, Philippines - Kung ang national TV ratings ang pagbaba­sehan, kumpirmadong ma­rami na talaga ang naka­ka-miss sa Sharon Cuneta-Gabby Con­cep­cion loveteam. Ni­tong nakaraang Linggo, humataw ng 28.2% ang ratings ng Kapamilya musical variety show na Sharon.

Tinutukan ng marami ang unang pagkikita nina Megastar at heartthrob ka­sama ang kanilang baby na si KC Concep­cion. Kasabay ng mga naghi­hiyawang live au­dien­ce, kinilig ang mga televiewers mula sa mga simpleng tinginan hang­gang sa mga makahulu­gang pag-uusap ng da­ting mag-asawa.

Kung nag-enjoy ang lahat sa part one ng Sharon-Gab­by-KC Reunion episode ng Sha­ron, mas kaabang-abang ang part two nito sa June 20 dahil mas malalim na usapan ang maga­ganap.

Sa susunod, ibabahagi ni KC na malaking bagay para sa kanya ang muling pag-uusap ng papa at mama niya.

“I prayed na mag-usap silang dalawa. Ang hirap kasi since this is still a show. Parang after nitong ilang oras na ’to, hindi na naman kami magkikita which is okay kasi masaya naman kami sa mga Pangilinan at masaya rin naman si papa sa family niya. Pero siyempre ang laking bagay na rin nito,” sabi ni KC na “answered prayer” niyang maituturing ang pagsasama ng mga magulang niya.

Kasama ang I’ll be There co-star nina KC at Gabby na si Jericho Rosales at ang best friend ni Mega na si Zsa Zsa Padilla bilang co-host, abangan ngayong Linggo, June 20, 9:10 p.m. ang continuation ng reunion sa Sharon, pagkatapos ng Pilipinas Got Talent sa ABS-CBN.

CONCEP

JERICHO ROSALES

KAPAMILYA

KASABAY

KASAMA

LINGGO

PILIPINAS GOT TALENT

SHARON CUNETA-GABBY

SHY

ZSA ZSA PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with