^

PSN Showbiz

Ogie at Regine dapat unahin ang pagpa-pakasal kesa pag-aampon

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Nakowww at nakakatakot palang ligawan ang mga dalaga ni Binoe (Robin Padilla)! Tatlo ang mga ito at pawang maga­ganda kaya mara­ming uma­a­li-aligid pero agad may nasabi na si Bi­noe na hindi siya mangingiming bumalik ng Mun­tinlupa kapag may umagrabyado sa mga ito.

Kaya biglang tiklop ang mga guys, biglang afraid sa action star. Baka nga naman totohanin nito ang kanyang sinabi kaya ayaw na nilang maki­pagsapalaran.

Okay itong strategy mo Binoe, baka ni lapitan ay hindi na nila gawin sa mga dalaga mo, ang ma­hirap lang baka sa takot sa iyo ay hindi na sila ma­ligawan at tumandang dalaga.

Huwag manakot, tama ’yung maghigpit! I’m sure sensible ’yang mga girls mo, alam kung saan sila nakatayo when it comes to ligawan. Pero like any other girls, darating at darating ang time na gusto ring magpaligaw ng mga ’yan, it’s part of grow­ing up. Pakilala ka sa mga boys na poporma sa kanila, pero huwag mo namang takutin.

* * *

Napakasuwerte naman nitong si Congressman Lani Mercado, tatlong ulit siyang pakakasalan ni Sen. Bong Revilla, Jr. Balak nilang mag-renew ng kanilang wedding vows sa US para sa kanilang silver anniversary, sa isa lugar na kung saan sila unang ikinasal, kahit pa ito ay isa nang burial site ngayon, parang Paco Park. Ewan ko lang kung katulad ng Paco Park pinaganda ito at ginawang isang tourist spot.

Ang dami-daming babae na hanggang sa pangarap na lamang nararanasang maka­sal at marami rin ang ayaw pakasalan pero heto si Lani at pakakasalan na naman ng ama ng kanyang mga anak. At willing na willing ang senador at aktor na muling lumakad ng aisle if only to prove his love to his wife of 25 years. Nakakakilig naman. Con­gra­tulations sa inyong dalawa!

* * *

Kung sina Bong at Lani ay ikakasal for the third time, kailan naman kaya sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez? Sa halip na planuhin nila ang pag-aampon, dahil hindi na bumabata pa si Re­gine, dapat unahin muna nila ang pagpapa­kasal, ito ang pina­kaimportante. Ewan ko lang kung ano ang pumipigil sa kanila para gawin ito, eh ang asa­wa nga ni Ogie, matagal nang nakapag-asawang muli.

Kung sabagay, wala namang mali sa pag-aampon. Ang anak naman ay hindi kina­kai­langang manggaling sa sinapupunan ng ina para matawag itong anak. Pag­mamahalan ang magbibigkis sa kanila. Mas matibay ito kesa sa anumang dugo na da­da­loy sa kanyang ugat. I should know. Kaya kayong dalawa, magsimula na kayo ng pamilya, hindi na kayo bumabata.

* * *

Kung hindi pa nakasisingil si Ara Mina ng dapat ay kabayaran sa ginawa nilang concert tour sa US ni Cristine Reyes, baka wala na siguro siyang ma­sisingil pa, talagang wala na itong balak na mag­bayad pa sa kanya, ’yung producer nila. Kung dito, madali itong idemanda pero hindi ko alam ang proseso dun, kung may mahihita ba siya kung idedemanda niya ito. Napakalayo kasi ng distance at baka ang inaasahan niyang TF ay kulangin pa sa kasong isasampa niya.

Umuwi ka na lang kaya and charge it to experience? Pagdating mo dito saka kayo mag-isip ng paraan para mapuwersang magbayad ang producer n’yo. Kailangan siguro ng legal advice.

vuukle comment

ARA MINA

BONG REVILLA

CRISTINE REYES

EWAN

KUNG

PACO PARK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with