Lady broadcaster pinagdadamit ng 'maayos' ng kanyang mga bossing
Hindi maganda ang panahon sa Singapore lately. Malakas ang ulan sa umaga. Like noong Wednesday night, go kami sa Universal Studios, sadly, hindi pa man kami nakakarating ng Universal, sobrang lakas na ang ulan. Sa lakas ng buhos, naalala ko ang bagyong Ondoy sa atin. Yup, as in super hard. Kaya, ayun hindi namin na-enjoy ang pamamasyal sa bagong attraction ng Singapore.
’Yung iba, makapamasyal lang, may I buy ng disposable rain coat para tuloy ang rampa kahit ulan nang ulan. Buti na lang at hindi naman bumaha. Pero sa sobrang lakas ng ulan, binaha ang Orchard. Halos lumubog ang Starbucks doon.
Bandang hapon na nang tumigil ang ulan. Pero bago pa tumila, nakaalis na kami sa Universal Studios. Balitang maraming Pinoy ang nagtatrabaho dito sa Universal Studios. Pero hindi na namin nasilip man lang.
Anyway, dahil din kasi sa ulan, maraming rides ang hindi nag-operate kaya nakuntento na lang kami sa pag-iikot sa mga bubong na part ng Universal. Corny.
* * *
Isa pang nakakahinayang, hindi ako nakasama sa dinner na inihanda ni Hanzel Villafuerte, dating talent manager at publicist. Dito na siya sa Singapore naka-base since 2006. Chef na si Hanzel ng French-Italian fine dining restaurant. Happy na siya sa normal na buhay dito sa Singapore. At never na raw nitong naisip na balikan ang showbiz.
Si Noy Volante ang isa sa mga unang talents ni Hazel.
* * *
May katigasan din pala ng ulo ang isang broadcaster. Ang tagal na pala niyang pinagsasabihan ng mga bossing ng kanyang pinagsisilbihang network na magdamit naman ng maayus-ayos, na ayon naman sa kanyang edad.
Kaso talagang ayaw daw makinig ng lady broadcaster. At ang siste, nagagalit pa raw si lady broadcaster sa mga nagsasabi sa kanya. At imbes na sumunod, mas lalo pa raw itong nagiging daring sa kanyang mga pananamit na actually ay hindi naman talaga bagay.
No more clues na. Madaling-madali itong hulaan dahil lahat ng tao ay ganito ang sentimiyento.
- Latest