^

PSN Showbiz

Staff ng Showbiz Central iritable kay John Lapus

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Sa darating na Linggo ay special guest ng PO5 si Willie Revillame. Nai-tape na raw ang episode na ito nung nakaraang Linggo na kung saan nag-surprise ito kay John Estrada.

Ang isa pang sorpresa sa episode na iyon ay namudmod umano si Willie ng pera sa audience. Halos lahat ay naambunan ng datung na ang pina­kamababang natanggap ay 500 pesos.

Nagmistulang Wowowee ang programang iyon.

Tinanong na rin si Willie kung lilipat na nga ba ito sa TV5, ang sagot lang daw niya ay nagba­bakasyon pa rin siya at wala pang masasabi kung ano ang balak nito.

TANONG : Totoo kayang iritable ang ilang production staff ng Showbiz Central kay John Lapus dahil sa hindi raw nito sinunod ang bilin na tanu­ngin si Bianca King tungkol sa isyu ng Ampalaya Anony­mous?

Bago napagkasunduang mag-guest si Bianca, aware na sila (at nag-agree naman ang manager na si Arnold Vegafria) na tatanungin ito tungkol sa Ampalaya Anonymous. Pero nung nandun na sa stu­dio, pinakiusapan daw ni Bianca si John na huwag na siyang tanungin tungkol sa isyu. Kung itutuloy pa rin ito, magwu-walk out daw ang aktres.

Bitin ang segment ng Don’t Lie to Me ni John dahil tatlong tanong lang na tungkol kay Aljur Abrenica ang nasagot ni Bianca at hindi na binasa ni John ang pang-apat na tanong tungkol sa Ampalaya Anonymous.

Mas sinunod pa ni John ang pakiusap ni Bianca kesa sa utos sa kanya ng EP (executive producer) at ng writer. Iyon pa naman ang pina-plug nila na hindi naman pala nasunod.

TOTOO KAYANG pinagtawanan itong actress/TV host ng mga “kapatid” niya sa trabaho nang magbitaw ito ng isang English phrase na mali-mali naman?

Ang eksena, nasa dressing room daw sila at nagtsitsikahan itong si actress/TV host at ang guwapong aktor.

May pinu-promote kasing bagong programa itong si guwapong aktor kaya curious itong si actress/TV host sa unang episode, tinatanong niya si guwapong aktor kung ano ang ending nung kuwento.

Sagot ni guwapong aktor: “Hindi ko ma-explain eh. Parang bahala na kayo mag-isip kung ano ang ending.”

Hirit naman ni actress/TV host; “Ah open-ending siya ha?”

Paulit-ulit daw itong tinatanong ni actress/TV host kay guwapong aktor, tumango na lang itong huli dahil abala ito sa kinakain niya.

Tinanong na naman niya uli si guwapong aktor ng “Ha? Ano open-ending siya?”

Natawa na ang ilang “kapatid” niya sa programa na narinig ang pagkalakas-lakas na tanong niya kay guwapong aktor. Kinorek na ito ng isang co-host niya ng “open-ended ’te!”

“Ha? Ano bang sinabi ko? Open-ended naman ah,” bawi ni actress/TV host para hindi na lang mahalata ang pagkakamali nito.

TSIKA LANG : Mamayang gabi sa Tweetbiz ng QTV 11, guest paparazzo si Rich Asuncion.

Hindi nakaligtas si Rich sa napakaraming isyung dapat niyang sagutin. Pero mukhang tsika lang ang mga sagot nito sa isyu nila ni Aljur Abrenica.

Pinagdiinan pa rin ni Rich na hindi siya pumun­tang Bohol nung nagsu-shooting doon sina Kris Bernal at Aljur para makipagtagpo lang sa young actor.

Tanong pa kay Rich, “Minsan ba sa buhay mo ay minahal mo si Aljur?”

“Minahal ko siya bilang kaibigan,” diretsong sagot ni Rich.

Okay na raw sila ngayon ni Kris dahil nagkausap na sila nung mag-taping sila ng bagong episode ng Love Bug na pinamagatang Wish Come True na tineyp nila sa Singapore.

’Yun ang tsika ni Rich para ma-promote itong episode nila sa Love Bug na magsisimula na sa darating na Linggo pagkatapos ng Party Pilipinas.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

AMPALAYA ANONYMOUS

BIANCA

LEFT

LINGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with