^

PSN Showbiz

Yeng parang hinahabol 'pag nagsasalita

- Veronica R. Samio -

Hindi lamang isang magaling na singer ang ka­u­na-unahang kampeon ng Pilipinas Got Talent (PGT) na si Jovit Baldivino, isa rin siyang magan­dang ehemplo at inspirasyon para sa lahat ng Pilipi­no na nalulugmok na sana sa kapighatian da­hi­lan sa hindi magandang pagpapalakad ng ating pa­ma­halaan pero nabigyan ng bagong pag-asa sa pag­kakaroon ng bagong pa­munuan.

Sa panalo ni Jovit na nabubuhay sa kahirapan dahil nagtitinda lamang ng siomai at nakikitira la­mang sa mga kamag-anak sa isang squatters area, ngayon ay na­bigyan ng pagkakataon na umangat ang buhay, mas dadami pa ang bilang ng Pinoy na hahanapin sa kanilang mga sarili ang natatago nilang talento para katulad ni Jovit ay maranasan din ang buhay marangya. With his victory, mati­tikman na ni Jovit kung paano maging milyonaryo at katulad nang sinasabi sa isang komersyal ng sabong panlaba, hindi na sila maghihirap pa.

Nag-guest si Jovit at ang mga kasamahan niyang grand finalists sa PGT na sina Markki Stroem, Ezra Band at Sherwin Baguion sa Music Uplate ng ABS-CBN at dahilan siguro sa hindi sila under pressure, at nawala na ang tension, maganda ang naging per­for­mance nila, live, with just a keyboardist ac­com­panying them. Akala ko dati sounds like lang ni Gary V. si Sherwin, hindi pala, nakakapag-Martin Nievera din pala siya. ’Di hamak na maganda rin kesa sa finals ang performance ng higit pang gum­wapong si Markki at ang napaka-swabeng kumantang Ezra.

Pero, talagang sa lahat ng mga kumanta standout si Jovit. Buo ang boses niya at parang walang iniisip kundi ang pagkanta niya, hindi ang mga nagtsi-cheer sa kanya sa loob ng studio, ito sa kabila ng mala-Drakula niyang mga mata na pulang-pula na dahil sa puyat.

Maaaring hindi Markki, Piolo Pascual, at Sam Milby ang looks ngayon ni Jovit pero tulad nina Piolo at Sam na hindi naman ganoon ka-guwapo nang magsimula sila, a new hairstyle, a smoo­ther skin, and some bagets clothes na babagay sa kanyang edad can weave magic sa kanyang pisikal na kaanyuan. Dito na papasok ang kaga­lingan ng ABS-CBN na mapagmukhang artista ang mga talents nila.

* * *

Anim na buwan na pala ang Music Uplate. In fairness to Yeng Cons­tan­­tino at sa magagaling niyang male co-hosts, nagawa nilang interesting ang programa kung kaya habang nagtatagal dumarami pa ang kanilang viewers. Isang revelation ang PDA champion as a host dahil bukod sa up­dated siya sa mundo ng musika, welcome sa mga manonood ’yung ipina­ma­­ma­las niyang paghanga sa mga nagiging bisita nila. Magaling siya, isang kampeon pero never niya itong ipinaramdam sa kanyang mga kasamahan. Parang magkakapantay lang silang lahat.

Isa pang nakakatuwa kay Yeng ay ’yung totoo siya, never nagpi-pretend na all knowing siya. Natawa talaga ako nang sabihin niya ng malakas at ita­nong ng buong kainosentehan kung ano ang ginawa ni Dagohoy para kilalanin itong bayani ng Pilipinas. Pero sinabi niya rin na magri-research siya tungkol sa kanya.

Sana rin bawas-bawasan ni Yeng ’yung bilis nang pagsasalita niya. Ma­dalas para siyang hinahabol ng kung ano at excited na excited kahit gaano ka-simple ang sinasabi niya. But other than these, okay siya at mas okay ang show na hino-host niya. Parang isang concert within a show, maganda at hindi nakakaantok. Daig pa ang mainit, masarap, at mabangong kape.

* * *

Sana hindi isisi at gawing dahilan para hindi makuha sa administrasyon ni PNOY (Presidente Noynoy Aquino) ang break-up ng relationship ni Ding­dong Dantes kay Karylle at ng marriage ni Ogie Alcasid kay Michelle van Eimeren.

Napaka-kitid naman ng utak ng mag-iisip nito. After all, may bago nang asawa si Michelle at mas nauna siyang mag-asawang muli kaysa kay Ogie at hanggang ngayon naman ay hindi pa nagsasama sa iisang bubong sina Ogie at Regine Velasquez habang hindi pa sila nakakasal.

Hindi pa naman mag-asawa sina Dingdong at Karylle nang magkaroon ng change of heart si Dingdong. It was better that he broke it up with her than continue a relationship na wala nang fire on his part. Saan ang mali dito? Wala akong paki kung mapili man sila o hindi para maging bahagi ng ad­mi­nistrasyon ng bagong pangulo pero baka nga hindi sila karapat-dapat o qualified pero dapat hindi sila hatulan sa maling kadahilanan.

vuukle comment

EZRA BAND

JOVIT

LEFT

MUSIC UPLATE

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with