Nickelodeon star, handa nang maghubad
MANILA, Philippines - Wala na ngang makakapigil sa paghuhubad ng dating Nickelodeon host na si Marco Mañalac dahil gaganap itong Alan Strang sa Equus ng Repertory Philippines sa July. Itong role na ito ang ginawa ng Harry Potter star na si Daniel Radcliffe sa Broadway, kung saan ilang minuto siyang nakahubad habang umaarte.
“Hindi naman ako natatakot dun sa part ng paghuhubad. Ang mas nakakatakot, ‘yung pag-arte. Equus is my first professional play, so talagang nakakatakot,” sabi ni Marco. “Nagpapasalamat lang ako dahil sa pagtitiyaga, suporta ng ibang cast members sa pagtuturo sa akin, lalung-lalo na kay Direk Audie (Gemora).”
Ang Equus na isinulat ni Peter Shaffer at ididirek ni Audie Gemora, ay tatalakay sa iba’t ibang pagbabago ng lipunan at kung paano ito nakakapagpabago sa paniniwala ng mga tao. Kasama ni Marco ang ilan sa pinakarespetadong pangalan sa teatro- Miguel Faustmann, Jaime Del Mundo, Roselyn Perez, Tami Monsod, Dido dela Paz at Red Concepcion, na gaganap na Alan Strang sa ibang palabas.
Mapapanood ang Equus simula July 9 hanggang 25 sa Onstage, 2nd floor, at Greenbelt 1, Paseo de Roxas, Makati City. Para sa ticket, tumawag sa 887-0710 o pumunta sa www.repertory.ph.
Bukod sa Equus, kasama rin si Marco sa 2010 MYX VJ Search. Puwede siyang iboto, i-text lang ang MYXVJ 10 sa 2366. Sundan siya sa twitter @marcomanalac at sa facebook: www.facebook.com/marco.mañalac1.
- Latest