Binitbit sa Amerika, Cristine nadamay sa kapalaran ni Ara
Naaliw akong panoorin si Gabby Concepcion sa programang Sharon ni Megastar Sharon Cuneta last Sunday night. May kilig factor pa rin ang dating mag-asawa sa true lang.
Nakakatuwa rin ang bukingan portion ng mag-amang Gabby at KC na hindi pala alam ng kanyang mama noon na ginawa nila ng kanyang papa.
Kilig-kiligan din si KC although ramdam na parang ninerbiyos siya sa pagpayag ng kanyang mama na magkasama-sama silang tatlo sa show ni Mega sa ABS-CBN.
Maraming nag-abang sa reunion nina Sharon at Gabby sa naturang programa na may part two pa sa Sunday.
* * *
Ayaw makialam ng Viva Artists Agency sa sinapit na kapalaran ng alaga nilang si Cristine Reyes sa Amerika. Kasamang naloko si Cristine at kapatid niyang si Ara Mina sa mga shows nila doon. Karamihan sa pinuntahan nilang lugar para mag-concert ay hindi nagbayad ng matino ang produ.
Nag-usap na sina Cristine at ang manager niyang si Ms. Veronique del Rosario-Corpus thru Facebook at tinanong ang alaga kung gusto nitong mag-demanda, pero ayon daw kay Cristine ay ayaw na niya dahil waste of time and money lang.
Hindi sinisisi ni Ms. Veronique si Cristine sa nangyari dahil ang kapatid nitong si Ara ang nakipag-negotiate sa mga producers sa Amerika kaya natural na hindi natanggihan ni Cristine.
Kaya lang ‘di ba sa status at sa bonggang career ni Cristine ngayon, hindi na siya dapat nagso-show sa mga maliliit na venue sa Amerika like sa mga casino or mga restaurant doon?
Ang ganda ng career niya sa ABS-CBN, may sarili siyang show na malapit nang mapanood at ang dami niyang commercials kaya nakakatakang nagto-tour pa siya sa Amerika. Or kung magso-show man siguro siya abroad, hayaan niyang Viva ang makipag-negotiate dahil at least doon, may down payment agad at may contract na pinirmahan.
Hanggang kahapon ay nagti-tweet si Ara : “Don’t know what to say anymore I’m going home in a few days but still di pa nabibigay ang balance sa amin. Bahala na si Lord kay Guia Natividad!”
* * *
Grabe ang lakas ng dating ni Jovit Baldivino, ang kauna-unahang grand winner sa katatapos na Pinoy Got Talent ng ABS-CBN.
Bukod sa napanalunan niyang P2 million, sigurado na agad ang bonggang career niya sa ABS-CBN.
Binibiro nga siya ni Kris Aquino, isa sa tatlong hurado kung anong gusto niyang programa – show with Sarah Geronimo, makasama sa programang ASAP, at kung anu-ano pa. Ang sagot ni Jovit, lahat ‘yun gusto niyang gawin.
Actually, bago pa ang nasabing finals, pinag-uusapan na sa Twitter at nag-trend agad na si Jovit ang mananalo.
Ang lakas ng dating ng batang ito na kung bumanat ng kanta ay parang si Arnel Pineda.
Balitang jampacked ang Araneta Coliseum dahil sa rami ng fans ni Jovit last Saturday night.
* * *
Sayang. Hindi gaanong kumita ang Emir, ang pelikula ng Film Development Council of the Philippines at Cultural Center of the Philippines.
Ang Emir, starring Frencheska Farr na dinirek ni Chito Roño at kinunan ang maraming eksena sa Morocco ay ipinalabas since Wednesday. Kaya lang, hindi ito naipalabas sa ibang sinehan.
Super impressive ang pelikula at kung hindi n’yo pa napapanood, watch n’yo naman dahil bihira ang ganito kagandang obra. Matagal-tagal pa bago uli ito maulit.
Kung siguro ipinalabas ito sa Metro Manila Film Festival, baka mas malaki ang kinita ng pelikula
Puwede rin siguro itong isali sa mga international film festivals para naman hindi puro kadukhaan ang napapanood ng mga foreign audience sa mga festivals abroad.
Puro kapangitan ng bansa ang madalas na tema ng mga pelikulang isinasali natin sa ibang bansa at kakaiba kung mapapanood nila ito.
- Latest