^

PSN Showbiz

DZMM Teleradyo nasa ibang panig ng mundo na

-

MANILA, Philippines - Sinimulan na ang makasaysayang pagsasahimpapawid ng DZMM Tele­Rad­yo sa mga bansa sa Middle East at Australia noong Hunyo 1 at Mayo 31. Si­mu­la naman bukas, Hunyo 15, mapapanood na rin ang DZMM Tele­Rad­yo sa Europa sa pamamagitan pa rin ng TFC, o The Filipino Channel.

Sa pagdating ng DZMM TeleRadyo sa Middle East, Australia, at Europa, mas ma­papabuti pa ng DZMM ang paghahatid ng balita at serbisyo publiko sa mga Pili­pino sa abroad. Ngayon, makikita na nila ang kanilang paboritong anchor, ma­ba­­basa ang maiinit na balitang pumapasok, at mapapanood na rin ang pina­kau­nang footage mula sa mga pinangyarihan ng balita.

Dahil worldwide na, tatalakayin na rin ng DZMM TeleRadyo ang mga is­­yu at kata­nungan ng mga kababayan natin sa ibang bansa sa mga prog­ramang Aksiyon Ngayon Global Patrol kasama sina Kaye Dacer, Fr. Tito Caluag at Zaldy Naguit, Usapang de Campanilla nina Lynda Jumilla, Al­vin Echico, Atty. Danny Concepcion at Atty. Claire Castro at Magandang Gabi Dok, tampok naman si Niña Corpuz.  

Ani ABS-CBN Manila Radio Division Head Peter Musngi, na kama­ka­ilan lang ay tumayong hurado sa prestihiyosong New York Festivals Radio Prog­ramming & Promotion Awards, nagbabadya ito ng mas malalaking kaganapan pa sa DZMM.

Ngayon ay pinaghahandaan na nila ang kanilang ika-24 anibersaryo kung saan maglulunsad sila ng iba’t ibang proyektong tutulong sa mga komunidad tulad ng isang mobile learning center at clinic na iikot sa mga barangay.

vuukle comment

AKSIYON NGAYON GLOBAL PATROL

CLAIRE CASTRO

DANNY CONCEPCION

FILIPINO CHANNEL

HUNYO

KAYE DACER

MIDDLE EAST

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with