^

PSN Showbiz

John Lloyd takot aminin si Shaina

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Totoong tanggap ng mamamayang Pilipino ang pagiging bagong pangulo ni Benigno Simeon Aquino III o Noynoy. Naglibot ako nung Miyerkules dahil wala akong programa sa radyo at nakita ko kung gaano ka-excited ang lahat sa proklamasyon ng bagong pangulo ng bansa at ng kanyang bise presidente na si Jejomar Binay. Bagama’t ang proklamasyon ay nagbabadya ng hindi pa opisyal na pagtatapos ng administrasyon ni PGMA dahil maghihintay pa siya ng opisyal na inagurasyon ni Presidente Noynoy, tanggap na ng mga tao at ikinatutuwa na magpapalit na ng administrasyon. With the change, posible ring magbago ang takbo ng buhay natin, puwede itong gumanda.

Sana matupad na lahat ni Pangulong Noynoy ang kanyang mga ipinangako. Dito nakasalalay ang kahit pinaka-munting pag-asa ng mga nasasakupan niya. Kasabay sana nang pagsugpo niya ng korapsiyon ay masugpo rin niya ang kahirapan na pangunahing problema ng bansa. Naniniwala ako na hindi niya ito makakayang mag-isa.

Kalimutan na natin ang pagkakawatak-watak. Let’s all unite behind our new president. Tulungan natin siya ng buong puso at sa abot ng ating makakaya. 

* * *

Hindi naman nakapagtataka kung ma-hurt ang magandang si Sam Pinto dahil palagi siyang sinisisi at sinasabing dahilan sa naging break-up ng dati niyang housemate sa Pinoy Big Brother na si Paul Jake at ng girlfriend nito ng matagal na panahon at ng break-up din nina Gerald Anderson at Kim Chiu. Parang lumalabas tuloy na ang sama-sama niyang babae na walang ginawa kundi ang mang-agaw ng boyfriend ng may boyfriend gayung ang relasyon niya lamang sa mga nawalan ng girlfriend ay mga katrabaho lamang.

* * *

Paano na ba ito Mariel (Rodriguez), lahat naniniwala na kayo na nga ni Robin Padilla? Maski na ang anak niyang si Queenie Padilla na naunang sinabi na ’di na gaanong umuuwi ng bahay ang kanyang tatay. At kahit may I deny ang dalawa tungkol dito, marami ang naniwala dati na tsismis lang ito pero habang nagtatagal, nagkakaroon na ng apoy ang usok. At kahit parehong single at walang sabit ang dalawa, meron at meron pa rin silang pananagutan lalo’t sinasabing si Binoe ang dahilan ng pakikipag-break ni Mariel sa boyfriend niyang si Zanjoe Marudo. Lalabas at lalabas na kontrabida pa rin si Binoe, ayon sa patakaran ng mga Pilipino.

* * *

Okay sana ’yung Diz Iz It! Magaganda ’yung mga segments — singing, dancing, and acting at pati na ’yung mga pakontes. Parang ang hindi ko gusto ay ’yung part na ipinagagawa nila sa isang batang kasama sa show na pinagbibigay nila ng words of wisdom na sa gulang niya ay hindi pa niya naiintindihan kaya madalas nangangapa siya ng sasabihin.

There is no doubt na talented siya pero sana bigyan n’yo siya ng ibang trabaho.

* * *

Isa pa itong sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz, parang takot na takot na aminin ang relasyon nila. Bakit kaya, meron kayang nagbabawal o humahadlang para magsabi sila ng totoo?       

Ang tagal bago sila napaamin tapos, parang napipilitan lang sila at humihingi pa ng panahon para makapagbigay sila ng 100% na answer dahil kulang at malabo ang naging sagot nila.

Kanino kaya may problema ang dalawa at sino ang may problema para maamin na nilang sila na nga? Si John Lloyd ba? Kung ako si Shaina, magdaramdam na ako dahil hindi ako mapangatawanan ng buong-buo ng boyfriend ko.

vuukle comment

BENIGNO SIMEON AQUINO

DIZ IZ IT

GERALD ANDERSON

JEJOMAR BINAY

JOHN LLOYD CRUZ

KIM CHIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with