^

PSN Showbiz

Sexy star at BF na may sabit buking sa Pinoy informer sa Amerika; Leonardo DiCaprio darating?

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Sosyal ang mga male co-hosts ko sa Startalk dahil lahat sila eh may mga biyahe sa labas ng bansa.

Ngayon ang dating ni Butch Francisco mula sa Australia dahil ininterbyu niya roon si Lea Sa­longa para sa musical play na Cats na mapa­pa­nood na rin dito sa Pilipinas sa susunod na buwan.

Kadarating lang ni Joey de Leon mula sa successful show ng Eat Bulaga sa Las Vegas at bukas, si Ricky Lo naman ang lilipad sa Amerika dahil may interview siya sa cast ng The Twilight Saga Eclipse. Mga sosyal sila ’di ba?

Siyempre, mapapanood sa Startalk ang ex­clu­sive interview ni Butch kay Lea. Ipalalabas din sa aming show ang exclusive tsikahan ni Papa Ricky kina Robert Pattinson at Kristen Stewart. Hindi na maabot ang Startalk huh!

* * *

May tsismis na darating sa Pilipinas si Leo­nard­o DiCaprio. Hindi ko paniniwalaan ang tsismis hangga’t hindi si Ricky Lo ang magsasabi sa akin na totoo ang kumakalat na balita.

At habang walang kumpirmasyon si Papa Ricky, iisipin ko na si Leonardo Litton ang dara­ting dahil miss na miss na niya ang ating bansa. Matagal nang nag-migrate si Leonardo sa New York at happily married na siya. Hindi nahirapan si Litton na pumunta sa US dahil pure American ang tatay niya.

* * *

Hindi lamang si Leonardo ang sinuwerte sa ibang bansa. Maayos na rin ang pamumuhay ni Rodel Velayo sa Aus­tralia, kasama ang kan­yang misis na si Da­niela.

Halos magkasabay na nagsimula sa show­biz sina Leonardo at Rodel. Silang dalawa ang palaging bida sa mga sexy movies na ginawa noon ng Seiko Films.

* * *

Pumayag si Dr. Hayden Kho, Jr. na mag­pa­interbyu kay Boy Abunda para sa an­niversary presentation ng The Buzz.

Ito ang rare occasion na magsasalita si Hayden sa TV mula nang i-declare niya na goodbye showbiz na siya.

Pero mahihirapan si Hayden na makaiwas sa TV camera dahil pinupuntahan siya ng TV crew sa hearing ng kaso nila ni Katrina Halili.

* * *

Medyo pumayat si Phillip Salvador nang mag­kita kami sa misa para sa second death anni­ver­sary ni Rudy Fernandez sa Heritage Park noong Lunes.

Hindi nagtagal si Ipe dahil nagmamadali itong umuwi ng bahay. Dadalhin pa raw niya sa ospital ang kanyang anak na si Pics. Si Pics ang anak ni Ipe at ng kanyang misis na si Emma Karen Le­desma.

Huling napanood si Ipe sa drama anthology ni Ruffa Gutierrez sa TV5. Si Ipe ang tumulong kay Sen. Bong Revilla, Jr. noong panahon ng kam­panya. Si Ipe ang naging representative ni Bong sa mga lugar na hindi nito napuntahan dahil sa busy schedule.

* * *

May natanggap na e-mail ang Startalk mula sa isang Pinoy sa Amerika. Hot ang kuwento ng Pinoy dahil nakita niya sa US ang isang sexy star at ang boyfriend nito na kontrobersyal.

Siguradung-sigurado ang informer ng Startalk sa kanyang kuwento. Detalyado ang impormasyon dahil may lugar at oras.

Matagal nang balita na may lihim na relasyon ang dalawa pero never silang aamin dahil may sabit ang mhin. Clue? May letrang A ang name ng sexy star!

vuukle comment

AMERIKA

BONG REVILLA

DAHIL

IPE

PAPA RICKY

RICKY LO

SHY

SI IPE

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with