Gaga may pahaging sa simbahan, ginagaya si Madonna
MANILA, Philippines - Kontrobersiyal na naman si Lady Gaga.
Kalalabas lang ng seven-minute music video niyang Alejandro at pinag-usapan agad ito sa loob at labas ng music industry. Pero normal na ang shock value sa bisexual na pop singer.
Sa bagong video, seryoso ang hitsura ni Lady Gaga sa black-and-white clip na ginawa ng dating photographer ni Madonna na si Steven Klein. Sa paglalarawan ni Lady Gaga, ang Alejandro music video ay selebrasyon ng kanyang “love and appreciation for the gay community, my admiration of their bravery, their love for one another, and their courage in relationships.”
Napapaligiran ang sikat na pop singer ng mga nakahubad na lalaking may pare-parehong haircut, naka-underwear lang, at naka-heels, plus, may iba’t ibang religious imagery na makikita na may pahaging sa Simbahang Katoliko.
Komento ni Lady Gaga sa tema: “I struggle with my feelings about the Church in particular...in terms of religion, I’m very religious. I was raised Catholic. I believe in Jesus. I believe in God. I’m very spiritual. I pray very much. But at the same time, there is no one religion that doesn’t hate or speak against or be prejudiced against another racial group or religious group, or sexual group. For that, I think religion is also bogus. So I suppose you could say I’m a quite religious woman that is very confused about religion. And I dream and envision a future where we have a more peaceful religion or a more peaceful world, a more peaceful state of mind for the younger generation. And that’s what I dream for.”
Isa sa mga sumusuporta sa controversial singer ay ang grupo ng mga LGBT (lesbian-gay-bisexual-transsexual people) na tiyak na matutuwa sa Alejandro. Pero kung inaakalang nauna si Lady Gaga sa ganoong konsepto, mali, dahil naging kontrobersiyal na rin ang Like a Virgin at Like a Prayer ni Madonna noong ’80s.
- Latest