Pauleen at Maxene tuloy pa rin ang pagsasama
Shelved muna ang TV remake ng Bakit Kay Tagal Ng Sandali pero tuloy ang pagsasama nina Pauleen Luna, Mike Tan at Maxene Magalona sa isang teleserye.
Kasali pa rin ang tatlo sa cast ng TV remake ng Trudis Liit kaya mali ang mga sapantaha na hindi na magkakatrabaho sina Pauleen at Maxene dahil sa isang isyu.
Naayos na ang problema sa pagitan ng dalawa. Tuloy ang pagsasama nila sa isang show at kung may nabago man sa plano, hindi na sila lilipad sa Malaysia dahil sa Pilipinas lang kukunan ang mga eksena ng Trudis Liit.
* * *
Pabalik na sina Richard Gutierrez, Claudine Barretto at Anne Curtis sa Maynila dahil tapos na ang shooting ng In Your Eyes sa California.
Tuwang-tuwa ang mga artista at production crew ng Viva Films-GMA Films project dahil hindi nila inaasahan na mabilis na matatapos ang kanilang trabaho.
Ilang araw na na-delay ang shooting dahil nagkaroon ng problema sa schedule pero walang naging pasaway kaya dire-diretso ang filming ng In Your Eyes.
* * *
Marami pa rin ang nagpapadala ng kanilang mga sagot sa aking pa-contest tungkol sa cover girl ng Most Beautiful issue ng YES! Magazine.
Na-appreciate ko ang inyong mga effort pero sinabi ko na kahapon na may nakahula na sa tumpak na kasagutan at sasabihin ko ang name ng winner sa June 22 dahil ito ang araw ng official announcement ng YES Magazine.
* * *
May pakisuyo si Rochelle Barrameda. Nais niyang ipaalam sa lahat ang rally na magaganap ngayong umaga sa harap ng Department of Justice.
May kinalaman ang rally sa murder case ni Ruby Rose Barrameda, ang kapatid ni Rochelle na natagpuan na nakalagay sa loob ng isang sementadong drum sa dagat ng Navotas noong nakaraang taon.
Ang sey ni Rochelle, ngayon ang unang anibersaryo ng pagkakatuklas sa bangkay ni Ruby Rose pero walang nangyayari sa kaso. Magtitipon ngayon sa harap ng DOJ ang iba’t ibang cause-oriented group na nakikisimpatiya kay Ruby Rose at sa mga naulila nito upang mapabilis ang paglutas ng pagpaslang sa kapatid ng dating aktres.
* * *
Nais iparating ni Leo Samonte sa management ng GMA 7 ang kanyang concern tungkol sa poor signal ng GMA Pinoy TV sa Saudi Arabia. Ito ang reklamo ni Leo :
“Magandang araw po. Kami po ay mga OFW dito sa Dammam Saudi Arabia.
“Ang oras po ng pasok namin dito ay mula alas-otso ng umaga hanggang 6:00 p.m.
“So, pag-uwi po namin sa aming mga tahanan, ang una agad naming ginagawa ay buksan ang aming mga TV set.
“Nakakalungkot po na isipin na for the past three weeks now, hindi maayos ang reception ng GMA Pinoy TV. Hindi namin ma- enjoy ang panonood ng Eat Bulaga dahil ito talaga ang show na aming inaabangan.
“Baka po pwede ninyong iparating sa kinauukulan (GMA bosses) ang aming reklamo dahil hindi kami pinakikinggan ng mga empleyado ng Orbit.”
- Latest