Arnel bubuksan ang Limelight
MANILA, Philippines - Magbubukas ngayong Biyernes June 11 ang Limelight Bar na matatagpuan sa Sumulong Hi-way, Antipolo City.
Ito ang pinakabago at pinakamodernong club music bar na may live band music gabi-gabi kung saan tanaw pa ang kagandahan ng ilaw ng Metro Manila sa background nito.
Special guests sa grand opening ang lead singer ng Journey na si Arnel Pineda at Ammo Band.
Kabilang sa mga nakatakdang mag-perform sa Limelight Bar ang mga music heavyweights na sina Juris, Side A, Nyoy Volante, Paolo Santos, Ammo Band, Jeff’s Crib, Fat Session, at Rina Forbes.
- Latest