^

PSN Showbiz

Rico Blanco at Arnel Pineda nangangampanya para sa mga bossing

-

MANILA, Philippines - Ang mga Pinoy rock music icons na sina Rico Blanco at Arnel Pineda ang nangunguna nga­yon sa kampanya ng Bossing Ako ng PLDT SME Nation para sa kanilang grand launch sa June 10 sa NBC Tent sa Global City sa Taguig City.

Sina Rico at Arnel ang mga bida sa center­stage sa pagkanta nila ng mga big hits at pati na ang inaabangang anthem ng Bossing Ako cam­paign, ang Para sa mga Bossing. Sa titulo pa lang, maiisip na ang kanta ay pantawag sa mga masisipag na Pinoy na boss sa kani-kanilang small or medium enterprises (SME).

“SMEs practically form the backbone of our economy, generating jobs and about 90 percent of the income. The more Filipinos become entre­pre­neurs, the better it will be for our nation’s economy,” sabi ni Kat Luna-Abelarde, PLDT vice president at head ng PLDT SME Nation.

Sa grand launch, nakatakda ring magbigay ng mga positibong kuwento ang mga kilalang negosyanteng tulad nina Dr. Vicki Belo at Regal Films lady boss Lily Monteverde. Sila ang dalawa sa malalaking 12 entrepreneurs na bumubuo sa tinatawag na “Pinoy Bossings.”

Ang Bossing Ako ng PLDT SME Nation ay isinagawa para mahikayat at kilalanin pa ang bagong henerasyon ng mga negosyante bilang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.

Ang maibabalik naman ng kumpanyang PLDT sa mga kapuri-puring negosyante ay ang mabilis na Internet connection, advanced computer hardware, at mga business solutions software, lahat ng iyan para makatuwang sa pagpapalago ng bawat SME. 

Para sa iba pang impormasyon kung paano makakatulong sa negosyo ang PLDT SME Nation, tawagan ang 101-888 or bisitahin ang www.pldtsme-nation.com.ph.

ANG BOSSING AKO

ARNEL PINEDA

BOSSING AKO

DR. VICKI BELO

GLOBAL CITY

KAT LUNA-ABELARDE

LILY MONTEVERDE

NATION

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with