^

PSN Showbiz

Nora binutasan ang lalamunan?

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hindi pala sa Sharon show magkakaroon ng reu­nion sina Sharon Cuneta, Gabby at KC Concepcion. Magaganap ang event na ito sa ba­gong pang-umagang TV show na Simply KC, yes ang mabilis na umaangat na programa ng aking inaanak sa ABS-CBN. Nakapag-guest na dito last week si Gabby at inabot ng dalawang araw ang kanilang pagbabalik alaala sa nakaraang bahagi ng kanilang buhay.

KC is certainly lucky to have parents like Sharon and Gabby who can definitely push her Simply KC several notes higher in viewership and popularity. Kung ang iba natutulungan nila, bakit hindi ang kanilang anak? May karapatan namang magkaroon ng sarili niyang programa si KC, ang ganda-ganda na niya, ang galing-galing pa.

* * *

Ano ba talaga ang nangyari o nangyayari kay Nora Aunor? Sabi ng mga Noranians, napaka-ma­tagumpay daw ng ginawang konsiyerto ni Nora sa Toronto, Canada nito lamang nakalipas na buwan. Pero bago ito, maraming balita akong na­rinig na hindi naman daw natuloy ang concert dahil walang boses si Nora, epekto ng pagpapaganda na ginawa sa kanya sa isang aesthetic surgeon sa Japan. Napurnada na nga raw for life ang Superstar dahil nilagyan ng butas ang kanyang lalamunan para siya makahinga.

Nakakaloka naman! Ako na naturingang may direct contact sa Superstar ay walang alam tungkol sa kanya. Mabuti na lamang at hindi ko pa siya ginawan ng sked dito, kung nagkataon ang laking problema ko. Paano naman, walang takdang petsa kung uuwi siya rito. Wala ring katiyakan kung uuwi nga siya at kung kailan. Kaya ang mga fans niya nangangapa, hindi alam kung ano ang paniniwalaan nila. Okay ba siya o naapektuhan ng kanyang make-over? At kung totoong may ma­samang epekto sa kanya ang ginawang pagpapaganda sa kanya, bakit walang direktang pa­hayag muna sa kanya? At bakit wala ring sinasabi ang kapatid na Aster Amoyo na siyang nag-facilitate ng make-over niya? Kanino ba ako makakakuha ng tamang impormasyon tungkol sa kanya?

* * *

Boto raw ang mag-asawang Sen. Bong Re­villa, Jr. at Cong. Lani Mercado sa sinasabing bagong girlfriend ng kanilang anak (Jolo) na si Melissa Ricks. Bagama’t ayaw pang umamin ng dalawa at sinasabing magkaibigan lamang sila, ang mga ginagawa nila at ikinikilos ay nagpapa­tunay sa kanilang ayaw amining relasyon.

Para namang napaka-lovable nitong si Melissa na pinag-aagawan ng mga Kapamilya niya. Pero bakit kaya hindi sila nagkaligawan ni Matt Evans at kung naging sila ni Jake Cuenca, bakit naging napakadali naman ng ugnayan nila?

ASTER AMOYO

BONG RE

JAKE CUENCA

KUNG

LANI MERCADO

MATT EVANS

MELISSA RICKS

NORA

NORA AUNOR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with