Paulit-ulit na lang ang tanong: Ruffa nasusuka na kay John Lloyd Cruz
UPDATE on the issue of Kuya Germs, Jake Vargas, and Direk Andoy Ranay :
All’s well that ends well.
Nag-usap na kahapon sina Kuya Germs, Jake Vargas, ang ama niyang si Mr. Miguel Vargas at Direk Andoy Ranay. Maayos na ang lahat sa kanila. Nag-explain at nag-apologize ang director sa batang actor, sa ama nito at kay Kuya Germs at maluwag naman nila itong tinanggap.
Nais ng parehong panig na tapusin na ang isyung namamagitan sa kanila lalo na at iisa lamang ang kanilang tahanang pinagtatrabahuhan, kaya’t agad itong pinag-usapan at naresolba naman ng matiwasay kahapon. Kung may pagkakataon, nais din daw nilang magkasamang muli at makapagtrabaho sa future projects ng Kapuso Network. Wala ring katotohanan ang mga balita na tinanggal si Jake sa programang Pilyang Kerubin, kung saan si Direk Andoy ang director, dahil sa nangyari.
Sa simula pa lang ay talagang hindi na siya kasama rito dahil may ibang project na nakalinya ang GMA 7 para sa batang actor.
Ito ang eksaktong statement ng GMA 7 (via e-mail) sa lumalalang issue sa pagitan ng kampo ng baguhang aktor na si Jake Vargas at Direk Andoy Ranay.
Nag-umpisa ang issue nang kumalat ang balitang sinigawan ni Direk Andoy ang baguhang aktor sa taping nang natapos nilang programang First Time. Malaswa raw sa tenga ang pinakawalang salita ng director pero hindi direktang si Jake ang pinatatamaan although nung sabihin daw yun ni Direk, si Jake lang ang hindi maka-memorya at late sa kanilang taping.
Agad daw tinawagan ni Jake ang kanyang manager na si German Moreno at nagsumbong kaya nakarating sa kinauukulan. Pinag-usapan na ‘wag nang palakihin ang issue pero maraming nakaalam kaya lumaki ang issue at dumating sa puntong magkakaroon daw ng demandahan.
Pero heto, plinantsa na ng GMA 7.
Pinag-ayos na nila para hindi nga naman mapulaan na kakaunti na nga ang artista ng Kapuso Network, nagkakaroon pa ng awayan.
Hala.
* * *
“I’m sick and tired of people asking me about John Lloyd Cruz! My gosh wala na bang iba diyan?!?! I’m trying to be polite pero nakakasuka na!!” emote ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Twitter account kagabi.
Hmmm, mukhang pikon na talaga si Ruffa sa walang kamatayang issue sa kanila ng aktor kahit saan siya magpunta.
* * *
Nakakangiti na raw ngayon ng maayos ang mga taga-Party Pilipinas.
Ang rason : aba, nanalo na raw sila sa ASAP. At tatlong linggo na raw.
Ngayong Sunday magti-take over si Direk Rico Gutierrez.
Bongga raw ang mga production number - grand production numbers with Rachelle Ann Go, Kyla, JayR, La Diva, Frencheska Farr for Emir with grand production number, Ely Buendia and Elmo Magalona will pay tribute to Francis M., Aljur Abrenica to perform live with Julie Ann San Jose, dance showdowns with Mark Herras, Rocco Nacino, Steven Silva, Enzo Pineda, Sarah Lahbati, Wynwyn Marquez, Diva Montelaba, and Yassi Presman. Meron din Pilyang Kerubin launch starring Barbie Forteza and Joshua Dionisio.
Tingnan natin kung magiging consistent ang kanilang mataas na rating.
* * *
Ibinaba na raw ang malaking billboard ni Willie Revillame somewhere in EDSA.
Ayon sa isang source, hindi na raw niya nakikita ang nasabing billboard sa dati nitong kinalalagyan.
Pakiramdam ng source : “Limot na siya ng tao. Hindi na siya hinahanap kasi.”
Ayon naman sa isa pang source, may isang endorsement daw itong tinatabangan na sa TV host at wala nang planong i-renew ang kontrata nito. Kaya nga raw hindi na rin nila nakikita ang poster nito sa isang produktong ini-endorso nito.
Tingnan natin ang balita ng source sa mga darating na araw.
- Latest