^

PSN Showbiz

Jake totoong may kasalanan

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

May mga hindi magagandang bagay ang lu­malabas tungkol sa alaga kong si Jake Var­gas na pakiramdam ko ay labis na at layu­ning sirain ang kanyang pagkatao.

Sa aking pagkakakilala, isang mabuting bata naman si Jake, pursigido sa kanyang trabaho at gustong sumikat hindi lamang para sa kan­yang sarili kundi una na para sa kanyang pamil­ya, lalo na sa kanyang inang may sakit.

Kung may kasalanan man siya at nagka­ka­mali sa kanyang trabaho, ito ay pressure na dulot ng kanyang trabaho at ng mga pangyayari sa kanyang buhay na bilang isang kabataan kung magkaminsan ay hindi niya makayanan, pero wala siyang balak na bigyan ng sakit ng ulo ang kanyang mga kasamahan sa trabaho.

Jake has never been but an obedient child. Grateful na binigyan siya ng chance na mag­ka­trabaho at makatulong sa kanyang pamilya pero sa mga balita, lumalabas na parang napaka­sama na niyang bata gayung wala siyang maisip ni isa mang tao na nabigyan niya ng problema o nagawan ng kasalanan. Kung meron man, hindi niya sinasadya at dulot lamang pagka­ka­taon.

So give him a chance, puwede ba?

* * *

Ano ba, ang dami-daming ayaw umamin ng kanilang relasyon pero kapag dumating na sa pun­tong kailangan na nilang maghiwalay, saka lamang parang nabubulgar na may relasyon palang nasira, at hindi na nila maitanggi ang break-up.

Sina Zanjoe Marudo at Mariel Rodriguez ay sangkot sa isang break-up. Oo nga at hindi nila itinago ang kanilang relasyon pero ang itina­tago naman nila ay ang dahilan ng kanilang break-up na diumano’y si Robin Padilla. Ma­hirap bang tanggapin na puwedeng ma-fall in love sa iba ang isang may nobyo na?

Masama kung namangka siya sa dalawang ilog. At bagama’t sinasabi ni Mariel na may naga­ganap nang hindi maganda sa pagitan nila ni Zan­joe bago pa dumating sa eksena si Robin, hin­di naman imposible na napalala nang pagda­ting nito ang sitwasyon at lalong mapalawak ang gap na namamagaitan sa dalawa.

Ewan natin, sino ang makakapagsabi. But let’s not condemn Mariel kung may bagong lalaki sa puso niya.

* * *

Kung si Toni Gonzaga ang papalit kay Kris Aqui­no sa The Buzz at si Bianca Gonzales naman sa SNN, paano na si Mariel? Aba eh ma­pag-iiwanan siya ng dalawa. Brokenhearted na nga siya, wala pang bagong show na makaka­tulong ng malaki para mapabilis ang pag-heal ng kanyang heart?

In fairness to Mariel, magaling naman siyang mag-host, hindi naman siya napag-iiwanan ng dalawa niyang kasamahan sa talento. Hindi kaya siya ma-insecure na wala siyang bagong programa at ang dalawa ay meron?

BIANCA GONZALES

JAKE VAR

KANYANG

KRIS AQUI

MARIEL

MARIEL RODRIGUEZ

ROBIN PADILLA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with