^

PSN Showbiz

2nd Season ng Sarap at Home simula sa Sabado!

-

MANILA, Philippines - Tuluy-tuloy ang paghahatid ng Sarap at Home – ang cooking show ng Q Channel 11 na may halong slice of life skits – ng mga nakatatakam at easy-to-prepare recipes dahil ngayong Sabado, June 5, ay magsisimula na ang bagong season nito!

Bida sa Sarap at Home ang character ng host na si Sam Oh na isang independent career woman. Ngayong season, mas pinasarap pa ang home-cooked dishes na ihahain ni Sam na siguradong papatok sa iba’t ibang personalities ng mga guests sa bago niyang bahay.

Kasama si Sam, ihahatid ng programa ang iba’t ibang paraan kung paano gamitin ang mga ingre­dients na karaniwang nahahanap sa bahay para makagawa ng mga bago at masasarap na home-cooked meals. Patutunayan ni Sam sa bawat episode ng Sarap at Home na kahit sino ay puwedeng makapagluto ng masarap na pagkain gamit ang kanilang creativity sa kusina. Ipakikita rin niya sa show na mas sumasarap ang pagkain sa pagsasalu-salo ng mga kaibigan at pamilya. Ika nga, there’s no place like home!

Makakasama ni Sam sa Season 2 ang iba’t ibang celelebrity guests na sina Heart Evangelista, na gaganap bilang over-achiever na kapatid niya; Iza Calzado, ang kapit-bahay ni Sam na isang glamorous actress; at si Shee­na Halili, ang nakakatawang kasambahay ni Sam. Bibisita rin sa bahay ni Sam ang gorgeous hunks na sina Daniel Matsunaga, JC Tiuseco, at Fabio Ide, at marami pang iba!

Abangan ang mga easy-to-cook meals na ihahain ni Sam mula Lunes hanggang Biyernes, 10:10 a.m, 11:30 a.m, at 6:20 p.m; Sabado, 2:00 p.m, 5:45 p.m, at 8:50 p.m; at Linggo, 2:00 p.m, 5:40 p.m, at 8:20 p.m – simula June 5, sa Q Channel 11.

vuukle comment

ABANGAN

DANIEL MATSUNAGA

FABIO IDE

HEART EVANGELISTA

IZA CALZADO

Q CHANNEL

SABADO

SAM

SAM OH

SARAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with