Regine kaya nang palitan ni Rachelle
Sa kanyang edad, dapat lamang talagang ‘di pa mag-focus sa pag-ibig si Barbie Forteza. Napakabata pa niya para rito. Tama na muna ‘yung pa-crush crush. Mag-focus na lamang muna sa kanyang papagandang career at bago siya dumating sa tamang edad na puwede na siyang ma-in love ay mayamang-mayaman na siya.
Masuwerte siya dahil hindi lahat ng may talento ay nabibigyan ng break at siya ay agad nakasungkit sa Star Award para sa Best New Actress ng PMPC na isang acting award. Pasalamat siya kay Cesar Apolinario, isang news correspondent ng GMA 7 na nagdidirek na rin ng indie movies dahil napili siya nitong bida sa kanyang pelikula. Ikalawang movie lang ito ni Cesar pero nagpapakita na siya ng promise bilang isang director. Hintayin pa natin ang mga susubukan niyang projects at siguradong magaganda rin ito.
Samantala, Barbie is growing to be more beautiful habang nagkaka-edad siya. Baka pagdating ng panahon ay pang-beauty queen na siya. In due time, marami siyang patataubing mga artista na mas matatanda pa sa kanya.
* * *
Buti naman at gumanda na si Regine Velasquez sa Diva. Matagal itong hinintay ng mga manonood ng nasabing serye. Pero natutuwa man sila, may kasama itong lungkot dahil alam nilang nalalapit na ang pagtatapos ng serye na kinagiliwan nila.
After Diva, makikita na ba nila si Mark Fernandez sa isang episode ng Claudine?
Speaking of Regine, marami ang nakaka-miss sa kanya sa Party Pilipinas. Iba ang show pag wala siya, sila ni Ogie Alcasid na bagaman at full effort naman ang mga naiwan para magbigay ng magandang panoorin, parang hindi kumpleto kapag wala ang dalawang ito. Nasanay na kasi ang mga manonood na makita silang dalawa tuwing linggo ng tanghali.
Nakabuti naman kay Rachelle Ann Go ang absence ni Regine, natoka sa kanya ang mga mahihirap na kantahin na bagaman at napapangatawanan niya, iba pa rin daw si Regine. Pero nire-recognize nila ang effort ni Rachelle Ann at ang galing nitong kumanta.
Kung sa ASAP ay No. 2 lamang siya kay Sarah Geronimo, sa PP, nagiging No. 1 siya hindi man linggu-linggo.
* * *
Ang talagang No. 1 sa akin at hindi na ito magbabago ay ang La Diva. Walang trio na gagaling pa sa kanila. Sila ang pinaka-magaling na tatluhang boses sa kasalukuyan. Ang galing nang gumagawa ng areglo nila, magagandang lumalabas lahat ng kantahin nila, be it an original song o revivals kaya.
Suwerte ng GMA 7 na siyang bumuo sa kanilang grupo, palaging sinusundan ng mga manonood ang tatlo, sa PP man o sa mga shows nila sa labas ng GMA.
Ang maganda sa tatlo, puwede silang solo at outstanding din silang solo performers pero as a trio, top of their profession sila. Second to none.
- Latest