Lani, Lucy at Manny magiging magkakaklase
Alam mo, Salve A., marami ang ginulat ng magkasintahang Melai Cantiveros at Jason Francisco ng Pinoy Big Brother (PBB) nang ito’y rumampa sa kauna-unahang pagkakataon sa Philippine Fashion Week.
Sa totoo lang, tinalbugan ng dalawa ang iba pang mga kilalang celebrities na kasama nilang rumampa nang sila’y lumabas at masilayan ng mga taong dumalo.
Sa totoo lang, nabingi kami sa hiyawan ng audience paglabas nina Melai at Jason sa rampa, isang indikasyon na talagang mainit na mainit ngayon ang tandem ng Melason na nagsimula nung nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya.
Marami rin ang nagtanong kung bakit hindi rumampa si Enchong Dee na nasa audience lang, kasama ang kanyang manager na si Keren Pascual.
Samantala, kapansin-pansin ang pagiging mataba ni Shaina Magdayao at mas seksi pa sa kanyang ’di hamak si Angelica Panganiban.
* * *
Malamang na maging magkakaklase sina congressmen-elect Manny Pacquiao, Lani Mercado, at Lucy Torres-Gomez sa National School of Public Administration and Governance sa University of the Philippines (UP) this month dahil pare-pareho silang mga neophytes sa larangan ng pulitika lalo na sa area ng legislative body tulad ng kongreso.
Ito’y preparasyon na rin nila sa kanilang bagong role bilang mga bagong mambabatas.
Tulad na lamang noon sa Star For All Seasons na si Vilma Santos na nag-crash course din sa UP along with her staff bago niya hinawakan ang pagiging alkalde ng Lipa na tumagal ng tatlong termino o siyam na taon. Ngayon ay isa nang gobernadora si Vi sa ikalawang termino at maganda ang kanyang performance kahit pa hindi siya tumuntong ng kolehiyo o nagtapos ng kahit na anong kurso.
Sa bagong halal na kongresista ng lone district ng Cavite, maganda ang plataporma ng misis ni Sen. Bong Revilla, Jr. na si Lani Mercado.
Hangad din ng mommy nina Bryan at Jolo Revilla na gawing district hospital ang Bacoor Municipal Hospital para makakuha ng funding sa national government.
Isusulong din niya ang scholarship program at additional learning system sa kanyang distrito na ang magbebenipisyo ay ang batang maagang nag-asawa at hindi nakapagtapos ng pag-aaral at maging ang mga magulang, mga lolo’t lola na gustong magpatuloy ng kanilang pag-aaral. Pagtutuunan din ni Lani ang nutrisyon at kalusugan, livelihood, at maging ang environmental bills.
Samantala, iba’t ibang fashion designer ang magdadamit sa congresswoman-elect at kasama na rito sina Paul Cabral at Randy Ortiz.
Ngayong pareho nang nasa public service ang mag-asawang Bong at Lani, hindi naman kaya mag-suffer ang kanilang pamilya lalo’t pagdating sa kanilang mga anak?
“Definitely, we will find time for our children and grandchildren. Time management lang naman ’yan,” pahayag ni Lani na kailangan nang masanay sa tawag na congresswoman.
- Latest