^

PSN Showbiz

Paparazzi itinangging puro paninira ang balita

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ngayong Miyerkules ang pictorial ng batang babaeng gaganap na Trudis Liit sa bagong soap ng GMA 7 with the same title. Bongga dahil solo pic­torial ito ng five-year-old bagets na napiling gu­ma­nap sa role na ginampanan sa pelikula ni Ba­tangas Governor Vilma Santos.

Jhyllianne Warde ang pangalan ng batang ga­ganap na Trudis Liit, endorser siya ng pam­batang produkto na umeere pa hanggang ngayon, ang Pro­mil TVC niya. Siya ’yung batang may dialogue na “mama said I have a very good voice” at saka ku­manta nang tuluy-tuloy.

Ang Trudis Liit ang pa­palit sa Gumapang Ka sa Lusak, unless, magka­roon ng switching at ito ang ilagay sa slot na inookupa ngayon ng Langit sa Piling Mo. Na-shelved ang Bakit Kay Tagal ng Sandali? at ipinalit ang Trudis Liit, pero kara­mihan sa cast ay galing sa una. Ayaw pang ipaalam kung sino ang magdi-direk ng Trudis Liit.

* * *

Tuwang-tuwa si Elmo Magalona sa “they rock” na comment ni Charice Pempengco sa duet nila ni Julianne ng Pyramid sa Party Pilipinas noong Sunday. Nabasa ng bagets na introducing sa Pilyang Kerubin bilang ka-love triangle nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio ang comment ni Charice at ’di makapaniwalang pinanood sila ni Julianne.

Hindi pa showbiz si Elmo at ’di pa showbiz ang sagot sa mga tanong ng press. Interviewers at ’di reporters o press people ang tawag niya sa press at pinasalamatan sa kanyang Twitter account ’yung mga nag-interview sa kanya.

Umaarte na sa school plays si Elmo at ’yun ang gagamitin niya sa Pilyang Kerubin plus nag-work­shop sila. Okay lang sa kanyang maging ka-love triangle nina Barbie at Joshua na parehong mabait sa kanya, kaya wala raw Team Elmo at Team Joshua sa kanila.

Matutuwa nito si Rhian Ramos na vocal sa pag-aming crush niya si Elmo at hihintayin itong mag-20 years old dahil siya rin ang celebrity crush ni Elmo. Nagagandahan at nagagalingan din siya kay Julianne at “amazing” si Barbie dahil may acting award na.

High school graduate sa OB Montessori sa Antipolo si Elmo at mag-i-enrol sa UP ng theater arts. Gusto rin niyang magka-album dahil panibagong opportunity ito sa kanya.

* * *

Sabay-sabay na humarap sa press ang mga hosts ng Paparazzi na sina Ruffa Gutierrez, Dolly Ann Carvajal, Mo Twister at Cristy Fermin. Nilinaw ng apat na hindi puro kasiraan ng mga talents ng ABS-CBN at GMA Network ang nire-report nila sa show dahil pati good news sa talents ng karibal na network ng TV5 ay nire-report din nila.

Pare-parehong may sari-sariling isyu ang apat at sa kanila lang, aandar na ang Paparazzi.

Natanong si Mo sa breach of contract na isinampa sa kanya ng Channel 7 at nanindigan itong expired na ang kontrata niya, he’s free to transfer at walang buying out na magaganap.

Kontrobersyal ang sagot ni Cristy sa diumano’y “nakakatol ba siya?” na patungkol ni Angel Locsin kay Cogie Domingo sa pag-amin ng aktor na nagka-relasyon sila.

Paminta naman daw ang tinira ni Angel dahil nagsisinungaling at abangan ang comment pa niya sa Sunday, 2:30 p.m. at marami siyang ibubulgar sa naging relasyon ng dalawa na nagsimula sa Click ng Channel 7.

* * *

Ngayong Wednesday sa Diva, judge sina Martin (TJ Trinidad) at George (Randy Santiago) sa amateur singing contest at kasali si Melody (Regine Velasquez) at kakantahin ang I Don’t Wanna Miss a Thing. Mag-aagawan sa kanya ang dalawang producers, pero tatakas si Melody.

   Makikita ni Barang (Jaya) si Melody at yayayain sa bahay niya at magi­gising si Barang na kinakanta ni Melody ang Smile. Isasama siya ni Barang sa Birit Records at nang makita ang picture ni Martin, kakanta si Melody ng Can’t Take My Eyes Off You.

ANG TRUDIS LIIT

ANGEL LOCSIN

BAKIT KAY TAGAL

BARANG

ELMO

JULIANNE

PILYANG KERUBIN

SHY

TRUDIS LIIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with