^

PSN Showbiz

QTV may X-Life!

-

MANILA, Philippines - Umpisa na ngayong Miyer­kules, 10 p.m., sa Q Chan­nel 11, ang bagong lifestyle magazine show para sa mga nais ng healthy, fit, at active lifestyle — X-Life. Sa bawat epi­sode, ipapa-experience ng programa, sa tulong ng mga hosts na sina Survivor Philippines winner at aktor JC Tiuseco, at TV perso­nalities, at models na sina Steph Henares at Gino dela Pena, ang mga extre­me, exciting, and extra­ordinary activities.

 Sa pilot episode ng X-Life, tampok ang isa sa mga pinaka-exotic na summer destinations sa Pilipinas — Ilocos. Marami pang bagong adventure na madidiskubre sa Ilocos at ipapakita ang mga ito ng X-Life team. Naghahanap ng ibang klaseng pagbiyahe sa norte? Subukan ang biking! Sakay ang kani-kanilang mountain bikes, ibang klaseng paglalakbay — na may bonus na napakagagandang tanawin at iba pang mga hidden treasures ng Ilocos — ang na-experience nina Gino at JC.

Pagkatapos nito, nag all-surface surfing naman sina Gino, Steph, at JC. Nag-surfing safari ang tatlo at sinubukan ang mga boards na pandagat — at pang-buhangin! 

Hindi rin nila pinalagpas ang healthy Ilocano food. Alamin ang mga pagkaing sinubukan nina Gino at Steph sa Kapuluan Resort. Sa resort, na­diskubre nila ang mga genuine Ilocano dishes na masarap na, healthy pa!  

GINO

ILOCOS

KAPULUAN RESORT

Q CHAN

SHY

STEPH

STEPH HENARES

SURVIVOR PHILIPPINES

X-LIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with