^

PSN Showbiz

Nakakaduda na... Rufa Mae sa Amerika nag-birthday, Mikey nakabakasyon sa US

- SEEN SCENE -

SEEN : Wala kahapon si Congressman Mikey Arroyo sa proklamasyon ng mga partylists na nanalo dahil nasa Amerika siya, ayon sa report ng TV Patrol World.

Binawi ng COMELEC ang proklamasyon sa Ang Galing Pinoy partylist ni Mikey dahil hindi pa lumalabas ang resulta ng petisyon upang i-disqualify ang partylist ng mga security guards at tricycle drivers.

SCENE : Nag-celebrate si Rufa Mae Quinto ng kanyang 32nd birthday sa Amerika at naroroon pa rin siya hanggang sa kasalukuyan.

SEEN : Si KC Concepcion sa Marikina Shoe Expo Cubao noong Sabado. Work-related ang pagpunta ni KC sa Marikina Shoe Expo.

SCENE : Ang paniniwala ni incoming Phi­lip­pine President Noynoy Aquino na hindi siya dapat tumira sa Malacañang Palace dahil bad feng shui ang maruming ilog ng Pasig.

Ang mga tao ang may kasalanan sa pagdumi at deterioration ng Pasig River. Taglay ngayon ni Sen. Noynoy ang lahat ng kapangyarihan upang mapalinis niya ang ilog Pasig at mawala ang bad feng shui na pinaniniwalaan nila ni Kris Aquino.

SEEN : Apektado si Mo Twister ng demanda sa kanya ng GMA 7 pero pinipilit niya na huwag ipahalata ang kanyang pagkabahala.

SCENE : Wala lang ang reaksiyon ng publiko sa paglipat ni Ariel Rivera sa TV5.

SEEN : Sina Jake Cuenca, Coco Martin, at Bea Alonzo ang tumanggap ng pinakamalakas na palakpak sa fashion show ng Bench sa Mall of Asia noong Linggo.

SCENE : Malaking 7th birthday party ang ini­hahanda ni Ruffa Gutierrez para kay Lorin dahil honor student ito.

Si Lorin ang panganay na anak nina Ruffa at Yilmaz Bektas.

SEEN : Bumalik na si Dr. Vicki Belo mula sa kan­yang biyahe sa Amerika at Europe. Dumating ang doktora kahapon. Useless ang pag-aabang sa NAIA ng mga TV reporters upang mainterbyu siya.

SCENE : Ang paid broadcast ng Salamat Pa­ngulong Gloria sa TV5. Ang mga projects at achieve­ments ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang ipinakita sa Salamat Pangulong Gloria.

vuukle comment

AMERIKA

ANG GALING PINOY

ARIEL RIVERA

BEA ALONZO

COCO MARTIN

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JAKE CUENCA

KRIS AQUINO

MALL OF ASIA

MARIKINA SHOE EXPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with