Marco reresbak sa dating manager
Ibinuking ni direk Maryo J. delos Reyes ang pagkukulitan nina KC Concepcion at Jericho Rosales sa shooting ng I’ll Be There For You, at ang pagiging malikot ni KC na kung saan-saan pumupunta kapag hindi pa take.
Napansin din ni direk Maryo na hindi matapus-tapos ang kuwentuhan nina KC at amang si Gabby Concepcion. “Parang they’re making up for the lost time,” sabi ni direk.
Nang makausap namin si direk Maryo last Friday, may four to five days pa silang shooting ng Star Cinema movie na June 16 ang playdate. Noong Sabado, nag-shooting uli sila sa Marikina City at kaya nalaman dahil kinunan ni KC ang roof ng location nila at pinost sa Twitter account niya.
Samantala, kahit busy, hindi pa rin nakakalimutan ni KC ang kanyang advocacy at ipinaalala sa kanyang fans at sa lahat na gustong sumali ang gagawing Walk the World 2010 for UN World Food Programme to fight world hunger. Gagawin ito sa June 6, 5:00 a.m., sa The Fort kung saan, kasama ang Pilipinas sa 80 countries na sasali sa 5k run or walk.
* * *
Panay ang banat ng English ni Mark Herras sa mga interview sa kanya, nahiya naman kaming tanungin kung dala ‘yun ng role niya bilang COO ng isang airline sa Langit Sa Piling Mo o dahil sa impluwensiya ng GF niyang si Ynna Asistio. Baka kasi akalain ni Mark na iniisip naming hindi siya marunong mag-English.
Pero natawa kami nang itangging galing sa kanya ang nasulat na reaction daw niya sa isang isyu dahil mahaba at straight English ‘yun. Nagpaka-totoo si Mark na hindi pa siya ganun ka-komportableng mag-English. “Hindi ako ‘yun, ‘no straight English ‘yun,” wika nito.
Kasama ni Mark sa Langit Sa Piling Mo sina Katrina Halili at Ryza Cenon na naging ex niya pareho at may kissing scene at Jacuzzi scene pa sila ni Katrina. Pero malabo silang ma-link ngayon dahil in-love at faithful si Mark kay Ynna.
* * *
Nangako ang isang actor na babayaran ang back commission niya sa former manager para matapos na ang isyu sa kanila, pero nangakong reresbakan ang dating manager. Magsasalita raw ang actor at sasabihin ang lahat-lahat ng isyu sa kanila ng manager, hindi lang nito sinabi kung magpapa-presscon siya o magre-release ng statement.
More or less, alam na ng press at mga taga-showbiz kung ano ang pasasabugin ng actor sa right time raw. Ang outside world ang masa-shock for sure, ito’y kundi magbabago ang desisyon ng actor so spill the beans ika nga!
May bago nang manager si Marco Alcaraz at ang feeling nito, nagsisimula uli siya. Pasalamat lang ito na may manager pa ring nagtitiwala at naniniwala sa kanya, suportado siya ng kanyang pamilya at ng kanyang GF.
* * *
Sa June 6 ang alis sa States nina Regine at Ogie Alcasid pabalik ng ‘Pinas at tiyak na maraming kuwento ang dalawa sa successful series of concerts nila sa US at Canada kasama sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Matagal ding nawala ang dalawa, pero hindi sila na-miss ng kanilang fans dahil tuluy-tuloy ang shows nila sa GMA 7 at gabi-gabi pa ring napapanood sa Diva si Regine na starting this Monday, gaganda na at makikilala sa pangalang Melody at magiging sikat na singer. Mami-miss ni Regine ang dati niyang karakter na si Sam, pero makakapahinga naman siya sa prosthetics at pagsusuot ng skirts at long sleeves T-shirt.
- Latest