^

PSN Showbiz

Network ID ng GMA 7 ilulunsad

-

MANILA, Philippines – Nang magsimula ang GMA Network bilang ma­liit na istasyon ng radyo noong 1950s, mahirap isiping magiging isa ito sa mga higante sa indus­triya ng brodkast. Tanging isang mikropono, isang plaka, at isang surplus na AM transmitter ang gamit nito sa mga unang taon ng operasyon sa inupa­hang unit sa Calvo Building sa Escolta. Walang iskript, walang kamera, at walang tele­prompter. 

Nang maging TV station at nalipat sa isang ma­liit na gusali sa EDSA ang opisina, nag-brod­kast ito mula sa isang simpleng studio na walang kulay at stereo sound.

Ngayong taon, bilang isang industry leader na nagdiriwang ng ika-60 taon, inaalala ng GMA ang nakaraan, ipinagdiriwang sa kasalukuyan, at aa­butin ang mas marami pang tagumpay sa hina­harap.

Pinamagatang Tagumpay ng Kapuso, isina­salarawan sa ID ang mga tao sa GMA 7 at ang ka­nilang kontribusyon sa likod at harap ng camera upang maihatid ang commitment ng network na magbigay ng superior entertainment at res­ponsible delivery ng mga balita’t impormasyon. 

“This ID fuses together all individuals who col­lectively contribute to the growth of GMA – the exe­cutives, on-cam talents, behind-the-scenes pro­duc­­tion crew, employees, and audiences,” ani Dong Tan, associate creative director para sa proyekto.

Dadalhin ang mga manonood mula rehearsal rooms tungo sa high-tech studios at control rooms, kung saan nagiging sining ang bawat galaw ng ka­me­ra, at pinagsasama ang talento at tek­no­lo­hiya.

Sa Tagumpay ng Kapuso, kasama ng mga GMA stars sa spotlight ang mga empleyado ng net­work.

Sa isang natatanging eksena, nagsama sa isang mala-piyestang scenario ang mga em­pleyado at artista sa GMA Network Drive habang kinukulayan ng fireworks display ang kalangitan.

 Matapos ang animnapung taon, ang GMA — na kilalang Kapuso ng bawat Pilipino — ay nag­pa­pasalamat sa milyun-milyong manonood nito sa buong mundo na ginawang bahagi ang himpilan ng kanilang buhay.

“We want every Kapuso to feel proud of being a Kapuso when they see Tagumpay,” sabi ni BJ Camaya, ang lyricist ng kanta ng nasabing ID. “Lahat ng aming na-accomplish, we did with them and for them.”

Ang theme song ng Tagumpay ay kinatha ni Si­mon Peter Tan, at kinanta nina Are You the Next Big Star? winners Frencheska Farr at Geoff Taylor kasama ang Six Feet Long band.

Ilulunsad ang Tagumpay ng Kapuso, GMA’s 60th Anniversary Network ID, ngayong Linggo (May 30), sa Party Pilipinas.

ANNIVERSARY NETWORK

ARE YOU THE NEXT BIG STAR

CALVO BUILDING

DONG TAN

GMA

ISANG

KAPUSO

SHY

TAGUMPAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with