^

PSN Showbiz

Sikat na pamilyadong TV host buking na may bagong karelasyon

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Hindi sinasadyang nagkita ang isang writer at ang kaibigang sikat na TV host sa isang department store. Magka-holding hands ang TV host at isang magandang dalaga na mga 23 years old, tantiya ng writer.

 Nang makita ng kolumnista ang TV host at ang kasa­mang dalaga ay biglang nagbitiw ang kanilang mga kamay. Biglang lumayo ang dalaga at kunwari’y tumitingin ng mga sapatos.

May pamilya na ang palikerong TV host pero mahilig pa rin sa magagandang babae. May regular show ang magaling na TV host at isa sa ipinagmamalaki ng sikat na network.

* * *

Nakakuwentuhan namin si Katrina Halili sa presscon ng Langit sa Piling Mo kung saan kontrabida uli ang role na gagampanan bilang si Aurora. Naka-move on na ito pero hindi pa siya handang humarap sa maraming tao kaya lay low muna sa mga events o shows sa mall.

Pero sinabing naging matatag siya sa dina­anang matinding pagsubok sa buhay. Wala mu­nang pag-ibig at nakasentro ang aten­siyon sa trabaho.

Nami-miss na ni Katrina ang pagiging bida pero mas gusto niyang maging kontrabida.

Maganda naman ang rapport nila ni Heart Evangelista sa bagong programa ng GMA 7 at laging nag-uusap dahil mag­kasama sila sa Party Pilipinas. Ins­pirado siya sa kanyang trabaho nga­yon at sinabi ni Katrina na ayaw muna ng lalaki sa buhay.

“Baka ma-trauma ang mga lalaki sa akin,” ang tangi niyang nasabi.

* * *

Nakikilala nang magaling na aktor si Paolo Paraiso, mapa-drama man o ma­pa-comedy, at ngayon ay may regular show ito titled I Laugh Sabado sa Q Channel 11.

“Nakaka-miss na ang soap opera pero mas nag-e-enjoy ako ngayon sa comedy dahil exciting ito. Gusto ko ring maging isang host,” sabi ni Paolo.

vuukle comment

BIGLANG

HEART EVANGELISTA

HOST

I LAUGH SABADO

KATRINA HALILI

PAOLO PARAISO

PARTY PILIPINAS

PILING MO

Q CHANNEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with