^

PSN Showbiz

KC parang parating hinahabol pag nagsasalita

- Veronica R. Samio -

Pupunta ng Washington DC ang vice mayor elect ng Maynila na si Isko Moreno. Nag-iisa siyang vice mayor na Pilipino na makakasama ng mga mayor sa iba’t ibang bansa na nabigyan ng pagkakataong ma­ka­pag-aral ng libre ng Inter­national Exchange Student Program ng local government public ad­minis­tration. Tatlong linggo siyang mawawala at pagbabalik niya ay handa na siyang manumpa sa bagong tung­kuling muling ibinigay sa kanya ng mga kapwa niya Ma­nilenyo.

Inamin ng napaka-poging vice mayor na baga­man at kulang siya sa pinag-aralan, hindi ito na­ging had­lang para magsikap siyang mapagling­ku­ran ang mga tao sa kanyang distrito.

 “Naging matapat lang ako sa kanila. Wala akong masyadong ipinangako dahil hindi ko pa nun alam kung ano ang gagawin ko para sa kanila. Nung mag­simula na lang akong magserbisyo at saka ko nakita kung anu-ano ang panganga­ila­ngan nila at dun ako nagsimula. Hindi na ako nahi­rapan dahil sa kanila na mismo nanggaling kung ano ang gagawin ko at saan at paano ako mag­sisimula,” sabi niya sa isang maliit na salu-salo kasama ang mga kaibigan sa enter­tain­ment me­dia na kasa-kasama na niya simula nung nasa That’s Entertainment pa siya.

* * *

Napaka-bubbly ni KC Concepcion sa kan­yang pagho-host ng Simply KC, isang bagong morning talk show na nagsimulang umere nung Lunes sa ABS-CBN. Kahit parang nakikita ko sa pag­katao niya at sa paraan ng pagsasalita niya at paggalaw ang kan­yang inang si Sharon Cune­ta at sa kan­yang itsura ang amang si Gabby Con­cep­cion, ipi­na­mamalas niya sa kabila ng kanyang pagiging icon, ang isang simple, totoo at normal na ka­bataan.

Araw-araw ay dinadala niya ang mga mano­nood sa iba’t ibang paglalakbay kasama ang kan­yang bisitang celebrity guest na tulad niya ay walang takot na ipapakita ang kanilang totoong kulay at pagkatao sa kabila ng maningning nilang buhay bilang artista. Sayang at hindi ko na nahintay pa ang pagdating ng isa niyang guest, ang kanyang amang si Gabby Concepcion pero napanood ko ang isa niyang episode kasama ang kapwa niya kabataang si Andi Ei­gen­man at pinag-usapan nila ang mga hirap na pinagdaanan nito bago siya pumayat (140 lbs. siya bago naging 110 lbs. ngayon at 30 ang waistline niya na ngayon ay 25 na lamang) at bago pa siya naging matagumpay sa kanyang launching project na Agua Bendita.

Actually, wala namang script na sinusunod si KC sa show. May topic pero ang magiging takbo ng kanilang interview ng kanyang guest ay na­kasalalay kay KC. So far sa episode niya kay Andi ay hindi naman siya nangapa dahil inamin niya na ang naging weight problem nito ay naging problema rin niya nun, pero ‘yun nga lang maraming pagkakataon na napa­ka-bilis niyang magsalita. Dapat matutunan niya ang sining ng swabeng pa­­ki­ki­pag-usap, ‘yung hindi siya parang hinahabol at excited na masabi agad ang gusto niya na parang nakakalimutan niya ito kapag pinagtagal pa niya.

Sa kabuuan, okay na si KC, nakakadala ang kanyang energy, ‘yun nga lang, dapat maglagay siya ng mga guest na makaka-relate hindi lamang ang mga kapwa niya kabataan kundi maging ang nga nanay at maid of ho­nor na siyang magiging palagian niyang viewers sa slot niyang 9:45 ng umaga kapag nagsimula na ang klase.

* * *

Wala pa ring tatalo sa Club Mwah pagdating sa mga palabas na may pagka-Broadway ang dating.

Naimbita ako ni Pocholo Malillin, ang administrator ng Club Mwah na matatagpuan sa Boni Ave. sa pusod ng Mandaluyong City at ng kapartner niyang si Cris Nicolas, ang napaka-galing na artistic director, choreographer at costume designer ng nasabing lugar at binalikan na naman ang kanyang pag­pi-perform, para panoorin ang pinaka-latest nilang Bedazzled pre­sentation at talaga namang bongga na naman ang presentasyon.

Bukod sa mga bagong costume at production numbers, napansin ko na bago rin ang maraming members ng Follies de Mwah.

Inamin ni Pocholo na naging mahirap na naman ang prosesong pinag­daanan ni Cris para masanay sila, pero the effort is worth it. Walang mga per­formers na makapagbibigay ng ganun kagandang programa.

Ilang taon nang nagbibigay ng entertainment ang nasabing lugar pero never bumaba ang kalidad ng palabas dito, kaya patuloy at patuloy pa rin itong dinadayo ng maraming manonood, local man o foreign.

AGUA BENDITA

ANDI EI

BONI AVE

CLUB MWAH

CRIS NICOLAS

EXCHANGE STUDENT PROGRAM

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with