Sheryl nag-deny 'Hindi ako nang-agaw ng asawa'
Kaloka naman ang kuwento kay Sheryl Cruz.
Hindi ko matandaan ang name ng girl na nagpa-interview sa Startalk pero in a nutshell - ang asawa niya (ng girl) ang may problema, hindi si Sheryl.
Base sa kuwento ng girl, ang naghahabol ay ang ama ng anak niya sa aktres na kino-consider na raw niyang (asawa kuno) dead.
Pero agad sinagot ni Sheryl sa pamamagitan ng isang e-mail sa isang kaibigan na hindi niya kayang pumasok sa isang iskandalo dahil katatapos lang niya at ayaw niyang bigyan ng sama ng loob ang kanyang Mommy Inday (Susan Roces).
Sinabi niya rin sa nasabing e-mail na hindi naman asawa ng girl na nagpa-interview sa Startalk ang lalaking sinasabing karelasyon niya ngayon kundi ama lang ng anak nito.
Mabuting kaibigan daw ito at mabuti sa kanya ang pamilya kaya walang masama kung kaibigan niya ito though isang beses pa lang silang nagkikita sabi pa ni Sheryl sa kanyang sulat.
Parang mas credible ang version ni Sheryl at parang wala namang masama kung minsan ay inimbita ang girl ni Sheryl na magtsikahan sila.
Galing daw sa kilalang pamilya sa Bacolod ang lalaking sangkot sa ‘iskandalong’ ito.
Sana, hindi na lang nagpa-interview ang girl kasi parang sila lang naman ng lalaking hinahabol niya na sinasabi niyang asawa ang may problema dahil lumalabas na ang ‘asawa’ naman niya ang naghahabol sa aktres.
Nagamit lang si Sheryl sa kuwentong ito.
Kasalukuyang nasa Amerika si Sheryl.
* * *
Katulad ng kuwento ni ‘Nay Lolit Solis sa kanyang column kahapon, ang sasarap ng mga pagkain na inihanda ni Manay Ichu (Maceda) at ni Manang Inday (Susan Roces) para sa post-birthday celebration ni ‘Nay Lolit
Wagi ang pritong hito at ginataang puso ng saging, adobong manok, mangga at bagoong, inihaw na talong at marami pang iba. Winner din ang dessert na tinamisang kamote.
Madalas mag-host si Manay Ichu ng luch or dinner para sa kanyang mga kaibigan sa showbiz.
Super yummy ang food kaya may take home ang mga naga-attend pag uwian na.
* * *
Dumating si Grace Poe sa nasabing tsikahan at ang unang tanong sa kanya ng mga andun ay kung kailan siya uupo bilang chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Parang clueless si Ms. Grace nung una dahil wala pa naman palang formal offer pero si Tita Dolor Guevarra na ang sumagot na personal siyang kinausap ni president elect Noynoy Aquino kung puwedeng umupong chairman ng MTRCB ang anak nina Ms. Susan at ng nasirang si Fernando Poe Jr. Malapit na malapit na kaibigan ni Kris Aquino si Tita Dolor.
Sagot ni Ms. Grace (bago sumagot si Tita Dolor) na wala pa naman daw pormal na pag-uusap sa pagitan niya at sa kampo ni Sen. Noynoy.
* * *
Swak ang Kanto Boys (Luis Manzano, Billy Crawford and John Lloyd Cruz) sa Wowowee kahapon.
Kung maraming kinilig noong maging host si Robin Padilla sa noontime show, mas lalong parang maraming kinikilig. Ang lakas din ng trending sa Twitter kahapon ng Kanto Boys.
Pero maraming nakapuna, bakit daw parang sobrang bitin ng pantalon na suot ni John Lloyd?
Iniintriga rinsi Ruffa Gutierrez ng mga fans kung nakatutok ba siya sa Wowowee dahil andun si JL, pero mabilis ang sagot ni Ruffa : “No tweeties I am not watching Wowowee..have taping n no TV here sayang! 5 Star Specials presents RUFFA has been extended 1 more week. YEY!”
Anyway, sana nga sila na ang maging regular host ng daily noontime show ng Dos.
* * *
Sus hindi naman pala true na si Jinkee Pacquiao ang bumili ng Hermes bag na worth P6 million something nang magbukas ang Hermes store dito sa Pilipinas. Isang asawa ng intsik na negosyante ang nakabili ng nasabing bag.
Last week na-clear ng friend ko ang nasabing issue.
Naging big deal kasi ang nasabing issue. Na kesyo si Jinkee daw ang nakipag-unahang bumili ng bag na may dyamante kaya super mahal. Kaya tuloy naikundisyon ang utak ng marami na siya nga ang nakabili.
Pero nope. Hindi siya.
Asawa raw ng kilalang nesgosyante ang buyer ng nasabing bag.
* * *
Nasa tamang direksiyon na ang career ni Paolo Paraiso pagkatapos niyang ilunsad sa dalawang comedy show sa QTV – I Laugh Sabado and Bluffing with Paolo and Bodie. Mas na-appreciate na ng viewers ang pagiging effective and attractive niya ngayon.
Kailan lang ay napanood siya sa Kaya Kong Abutin Ang Langit at bilang kontrabida sa magtatapos na Panday Kids, Paolo is now leading a pack of comic personalities in QTV’s fast-rising gag satire - I Laugh Sabado aired every Saturday, 8:30 pm.
Sa Bluffing with Paolo and Bodie, katambal naman niya si Bodie Cruz making it two-for-two for him as far as the channel’s comedy block is concerned. Kaya ngayon pa lang, tinatawag na siyang comedy prince kahit nakilala siya sa label na sexy actor.
“It’s a kind of pressure for me to deliver but I’m having fun. It’s a new side of me,” sagot agad niya sa bagong tinatahak niyang career.
Si Paolo ay nasa pangangalaga ng GMA Artist Center at sinabi niyang he likes stand-up comedy, was a serious observer of the classic comedy gang Bad Bananas, and a big fan of Bubble Gang.
Nakapag-guest na siya sa reality sitcom na Pepito Manoloto wherein he threw punchlines with its star Michael V. whom he said has influenced him a lot in creating a comic act on his own.
So far, ganun pa rin ang status nila ni Mylene Dizon, ang ina ng kanyang dalawang anak. Meron siyang karelasyon at meron din si Mylene.
Pero happy naman siya sa nangyayari sa career niya, describing it as ‘varied and loaded.’
“Good thing that we actors are able to talk sa mga writers regarding jokes and sequences. Mataas ang goal namin sa show and that we hope ma-reach namin ang reputation earned by Bubble Gang,” kuwento pa niya.
I Laugh Sabado also stars other Kapuso comic figures Wally Bayola and Jan Manual.
Nakakatatlong taon na siya sa GMAAC.
- Latest