Di nagkaayos, show nina Pauleen at Maxene 'di na itutuloy ng GMA 7
Shelved as in hindi pa nag-uumpisa, tsugi na ang pagsasamahang programa nina Pauleen Luna at Maxene Magalona sa GMA 7 – Bakit Kay Tagal Ng Sandali. Obviously, hindi nagkasundo ang kampo ng dalawang aktres matapos ang isang pag-uusap. Trudis Liit na lang ang ipapalit sa naudlot na programa ng dalawang aktres.
Hindi pa clear kung kasama pa sina Maxene at Pauleen sa ipapalit na programa.
Meron kasing issue na kasama pa rin ang dalawa at may nagbulong naman na hindi pa sigurado.
Nagkaroon ng issue kina Maxene at Pauleen dahil sinasabing pinagkaisahan ng Ampalaya Anonymous si Pauleen kung saan member si Maxene.
Sa Twitter account ni Cristine Reyes madalas kong makita noon ang tungkol sa Ampalaya na members sina Cristine and Maxene nga, Angel Locsin, Bianca King na kaibigan din ng grupo si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar.
* * *
Dinenay ng kampo ni Tito Dolphy na isa siya sa nagkukumbinse sa TV host na si Willie Revillame na lumipat sa TV5. “Hindi niya gagawin ‘yun noh. Wala siyang kinalaman diyan,” sagot agad ng isang malapit na malapit kay Tito Dolphy.
“Saka wala namang offer ang TV5 kay Willie. Nire-respeto nila ang kontrata niya sa ABS-CBN,” dagdag ng source.
* * *
Likas talaga ang kabaitan kay Ms. Joy Belmonte, nanalong vice mayor sa Quezon City.
Kahit may mga sinabing against her ang nakalaban niyang si Aiko Melendez, wala siyang masamang sinabi tungkol sa natalong aktres.
As in wala raw siyang ill-feelings kay Aiko dahil hindi siya marunong magtanim ng galit kahit kanino. Naiintindihan daw niya na magaling na aktres si Aiko at ginamit niya ito sa natapos na kampanya at alam niyang strategy lang lahat ‘yun.
“You always have to capitalize on your strength when you’re campaigning for a position. And her strength is that she’s very good in acting. That’s why, nailabas niya ‘yun noong kampanya,” kuwento ni Ms. Joy na kauna-unahang pulitiko na naalala ang tulong ng entertainment press.
Pero nalungkot daw siyang umabot pa sa puntong kinailangang mag-imbento ng mga kuwento ng kanyang kalaban.
Sana lahat ng pulitiko ay katulad ni Ms. Joy.
- Latest