^

PSN Showbiz

Cristine sinisisi sa pagkatalo ni Ara

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Kahit iniintriga sila at pilit na pinag-aaway da­hil sinasabi ng marami na dapat sisihin ni Ara Mina ang kapatid niyang si Cristine Reyes sa kan­yang pagkakatalo sa eleksiyon dahil hindi siya nito sinuportahan. Kung nakita lamang ito ng madalas sa kanyang mga sorties o kampanya baka, nanalo pa siya pero, in spirit lang yata tu­mulong si kapatid, hindi ng physical presence niya.

Ang bait naman ni Ara dahil wala ito ni kon­ting hinanakit kay Cristine. Pero totoo bang naiin­tin­dihan niya ang hindi nito pagsama sa kanyang kampanya?

O baka hindi lamang siya nagpapakita ng sama ng loob niya dahil iisang dugo sila at ayaw niyang mag-away pa sila. Lalo’t magkakaro’n sila ng series of concerts sa Amerika, kailangan nga namang wala silang away para maging ma­ganda ang palabas nila. 

* * *

Mukhang maraming nararahuyo rito sa ex PBB finalist na si Sam Pinto. Kung kani-kanino siya nali-link, na nag-resulta sa pakikipag-break ng mga lalaki sa kanilang mga girlfriends. Pinag­bi­bintangan siyang dahilan ng break-up nina Paul Jake at ng matagal nang girlfriend nito na present nung grand finals ng PBB Double Up. May kissing scene pa sila sa stage after Paul Jake proclaimed runner-up. 

Siyempre may I deny ang Cebuano PBB run­ner-up na smitten siya sa kanyang housemate sa bahay ni Kuya.

Lately, nag-break din daw ang umamin nang nagkaroon ng relasyon na sina Gerald Ander­son at Kim Chiu dahil din ba sa kanya?

Wow, ang ganda-ganda siguro ng girl na ito, ang haba-haba ng buhok.

Para iwan ng mga nasabing lalaki ang ka­nilang mga girlfriends because of her, ganda sigu­ro talaga niya. Gusto ko tuloy siyang makita. Hindi ko kasi siya kilala. Aber nga, makilatis muna.

* * *

Poor, poor Enchong Dee. Siya ang latest biktima sa internet ng mga taong walang mas­yadong magawa at naghahanap ng mapagka­katuwaan.

Tinatawag nila siyang bakla at ikinakabit ang pa­ngalan sa isang taong hindi niya kakila at sa isang kaibigan at kasamahan sa swimming team. Hindi na ba puwedeng maging magkai­bi­gan ang dalawang lalaki na hindi sila pagbi­bintangang bakla? Ang masama pa nito, hindi iisa kundi sinasabing parehong bakla ang dala­wang lalaking magkaibigan.

Anumang paliwanag ni Enchong, nadumihan na ang kanyang pagkatao, no amount of expla­nation can remove the doubt from people’s mind. Mabuti na lamang at hindi dito bothered ang ace swimmer at mabilis na sumisikat na actor ng ban­sa. Sana nga, napanatag na niya ang kan­yang status bilang actor para hindi maapektuhan ng ganitong tsismis ng mga taong may prejudice sa mga bakla?

ARA MINA

CRISTINE REYES

DOUBLE UP

ENCHONG DEE

GERALD ANDER

KIM CHIU

PAUL JAKE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with