^

PSN Showbiz

Lee DeWyze bagong American Idol

- TV UPDATE -

MANILA, Philippines - “I believe there is a time and place for every­thing. And this is my time,” sabi ni Lee DeWyze, isang paint salesman mula sa Mount Prospect, Illi­nois, nang siya ay mag-audition sa Chicago. Ilang buwan ang lumi­pas, matapos niyang mamu­hunan ng pawis, panahon at talento, si Lee ang tinanghal na bagong American Idol.

Sa finale ng programa, na pinalabas live via sate­llite sa GMA 7 (may same day replay sa Q Chan­nel 11), nagkaroon din ng tribute para sa jud­ge na si Si­mon Cowell na magpapaalam na sa IDOL sa pag­ta­ta­­pos ng season. Umawit para kay Simon ang mga dating winners sa IDOL tulad nina Kelly Clarkson, Reuben Studdard, Fantasia Barrino, Taylor Hicks, Kris Allen, Jordin Sparks at Carrie Underwood. Dumating din ang dating IDOL judge na si Paula Ab­dul para sa madam­daming farewell special.

“I didn’t think I was going to be this emotional, but I genuinely am,” sabi ni Simon. “What Paula says is true: The show goes forward, it will be diffe­rent, but I just want to thank you from the bottom of my heart for the support, the fun.”

“The truth is, you guys are the judge of this show, and you’ve done an incredible job over the years,” dagdag pa niya.

Naging dark horse ng sea­son si DeWyze, isang mahiyaing 24-year-old na rakis­ta. Noong um­pisa, tila mas ma­ra­ming magaga­ling na baba­eng finalists ngunit isa-isa silang na­tanggal sa kum­pe­tisyon hang­gang sa si Crystal Bowersox – isang 24-year-old na mom­my mula sa Elliston, Ohio – na lang ang natira para ma­­ki­­pag­laban sa boto ng mga manonood.

Nagtapat sa final showdown ang Top 2 sa harap ng mahigit 7,000 na manonood sa Nokia Thea­ter sa Los Angeles. Tig-tat­long kanta ang inawit nila : isang pinili nila, isang pinili ng producer na si Simon Fuller, at isang kanta na kanilang iri-release kung sila ang magwawagi sa IDOL.

Nakipagsabayan sa galing si Crystal, ang soul­ful rock chick ng season 9. Kinanta niya ang Me and Bobby McGee, Black Velvet at Up to the Moun­tain at napahanga ang mga judges na sina Simon, Randy Jackson, Kara DioGuardi at Ellen DeGeneres

“I thought that was by far the best per­formance and the song of the night,” sabi ni Simon. “And since this is going to be the final cri­ti­­que I’m ever going to give, I would just like to say that was outstanding.”

Si Lee naman ay umawit ng Everybody Hurts, The Boxer at Beautiful Day na nakakuha ng ma­gandang comment mula kay Kara, “You have one of the most commercial voices this season and you deserve to be here tonight.”

At nang ihayag na kung sino ang nakakuha ng mas maraming boto mula sa mga manonood, pa­nga­lan ni Lee ang isinigaw ng host na si Ryan Sea­crest. “I have never been happier in my life,” sabi ng bagong American Idol.

“This whole thing has been amazing from the very beginning,” sabi ni Lee noong final showdown habang nag­babalik-tanaw sa kanyang IDOL journey. “I hope to be doing this for the rest of my life, whatever happens.”

May replay ng final performance night ngayong Sabado, May 29, 4:30 p.m. at ang replay ng finale sa Linggo, May 30, 3:30 pm sa Q Channel 11.

Panawagan ng kabataan kay Noynoy pag-uusapan

Ipapahayag na ng mga kabataan ang kanilang panawagan sa bagong halal na administrasyon sa Independence Day special ng Y-Speak sa Sabado (June 12).

Hango sa mga Dear Noy posts ng mga kabataang Pinoy sa internet, iisa-isahin ng host na si Bianca Gonzalez ang kanilang mga suhestiyon at bubusisiin ang apat na pangunahing isyu - ka­h­irapan, trabaho, edukasyon, at kalusugan.

Bibigyang-pugay din ng multi-awarded public affairs program ang mga alter­native schools sa June 19 at kakapanayamin ang mga henyo na mula sa progressive schools, distance learning institutions, open universities, at mga e-learning classes.

Samantala, kikilalanin din ng Y-Speak sa June 26 ang mga atletang dapat abangan sa paparating na NCAA at UAAP seasons at sabay na tatalakayin ang iba pang uri ng sports na bagama’t hindi gaanong napapansin ay mga larangang kung saan tunay na namamayagpag ang atletang Pinoy.

Matutunghayan ang mga episodes ng Y-Speak, pati na ang ibang local prog­rams ng Studio 23Us Girls, News Central, Quick-E at The Wrap, gamit ang internet ano mang oras at kahit saan sa pamamagitan ng Catch Up TV (www.studio23.tv).

Mapapanood n’yo rin ang mga paboritong foreign programs na Legend of the Seeker, Bro­thers and SistersThe Amazing Race 16, Des­perate House­wives, Private Practice at Grey’s Anatomy sa naturang website.

Ngayong Hunyo, dalawang patok na medical dramas ang magtatapos ng ka­nilang respektibong seasons. Huwag palalampasin ang season finales ng Grey’s Anatomy, 8:00 p.m., sa June 7 at ng Private Practice, 9:00 p.m. sa June 14.

Sa unang bahagi ng two-hour special season ender ng Grey’s Anatomy, isang krisis ang gugu­lantang sa mga doctor ng Seattle’s Grace Hospital na hindi pa nang­yayari sa kanilang kasaysayan habang mayayanig naman ang mundo ng mga medical staff sa Private Practice dala ng isang hindi inaasahang pag­kapanaw.

Mula sa mga kapana-panabik na drama, ihahatid din ng inyong Kabarkada ang hindi dapat palampasing sporting event na matutunghayan eksklusibo sa Studio 23. Tunghayan ang live co­ve­­rage at replay sa parehong araw ng 109th United States Open Championship na isa­sagawa sa Bethpage Black Course sa June 19 hanggang 22.

AMAZING RACE

AMERICAN IDOL

ISANG

PRIVATE PRACTICE

SHY

Y-SPEAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with