Sipag at Tiyaga, Susi sa Tagumpay
MANILA, Philippines - Abangan ngayong Linggo sa Q-11 na Life and Style With Gandang Ricky Reyes kung saan tatlong kasaysayan ng tagumpay ang mapapanood.
Japanese national si Famnia Fujita na nagtapos ng kursong Cosmetology sa Ricky Reyes Institute. Pinoy naman ang dating lip-reader na si Paul Nunez at OFW si Diana Vanessa Claes na kumuha naman ng Hotel and Restaurant Management sa naturang paaralan na matatagpuan sa Quiapo, Manila at Aurora Boulevard, Quezon City. Dahil angkin ng tatlo ang sipag at tiyaga’y maunlad ang kanilang buhay ngayon. At ang karunungang natutuhan sa mga magagaling na titser ng RRLI ay naging susi rin para makamit nila ang tagumpay.
Ano ba ang naging inspirasyon o nag-udyok kay Mader Ricky para magbukas ng vocational school na sa mababang tution fee ay maaaring makatapos ng cosmetology, hotel and restaurant management, waitering, bar-tending, dressmaking, tailoring, atbp. “Bata pa ako’y nasabak na sa kung anu-anong trabaho para maitaguyod ko ang aking ina at mga nakababatang kapatid. Naging frustration ko ang makatapos ng pag-aaral. Kaya ngayo’y naisip kong magtayo ng paaralan para sa mga dahop sa buhay,” sabi ng ngayo’y kilala bilang beauty guru at salon czar.
Muling bumabalik sa LSWGRR na produksiyon ng ScriptoVision ang Great Hair Day na ang mapalad na magiging modelo sa make-over on the air ay si Erica Lagmay.
Magbibigay naman ng tips sa mga babaeng manonood ang Dance Divang si Regine Tolentino kung paano magkakaroon ng seksing katawang kinababaliwan ng mga lalake sa Gandang Body.
- Latest