^

PSN Showbiz

Ryza magpapa-sexy para makaabante ang career

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ginanap ang victory celebration ni Batangas Governor Vilma Santos last Tuesday na sinimulan ng isang mass ng 3:00 p.m, ayon sa misis ni Tirso Cruz III na si Lyn Cruz.

Present sa victory celebration sina Senator Ralph Recto and son Ryan Christian, dumating din si Christopher de Leon na nanalo ring Board Member sa Batangas at nakisaya sina Vice Ganda, Nikki Valdez at AiAi delas Alas.

Masaya ang okasyon, nag-duet ang mag-amang Pip at Bodie Cruz at tumugtog ang Alamid band. Nagpasaya rin sa tao si Chokoleit at bumati sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales-Muhlach kasama ang anak nilang si Andres

* * *

Ginulat ni Ryza Cenon ang press sa presscon ng Langit Sa Piling Mo dahil sexy na ang image niya, sinabayan ang sexy role niya sa nabanggit na soap na premiere na sa May 31, bago ang 24 Oras. Sexy pole dancer na magiging kabit ni Stanley (Tonton Gutierrez) ang role ni Ryza, may kissing scene at bed scene.

Handa na si Ryza sa mga sexy roles para mag-move ang kanyang career. Pero may mga limitasyon pa rin siya at hindi pa rin niya kayang mag-cover sa FHM magazine.

May training ng pole dancing si Ryza at magwo-workshop pa rin siya para sa mga eksena nila ni Tonton para hindi siya mailang. Sana lang daw hindi torrid ang kissing scenes nila at baka manginig siya sa kaba.

Hindi man aminin, naging ex-BF ni Ryza si Mark Herras at natawa ito sa sabi ng press na sana may kissing scene rin silang dalawa.

* * *

Sina Charice Pempengco at ina nitong si Raquel na mismo ang nag-deny sa kumalat na balitang kasama na si Charice sa new season ng Glee. Maraming natuwa sa balita at marami na ang nag-congratulate kay Charice, pero kahapon, itinanggi nito sa kanyang Twitter account ang balita.

* * *

Sa The Last Prince, nagawa ni Bawana (Bianca King) na sumali sa panaginip nina Almiro (Aljur Abrenica) at Lara (Kris Bernal). Sa Hardin ng Uyayi, may sanggol na isisilang sa pamamagitan ng ‘rose bud,’ paraan ng mga Paladino ng panganganak.

Gustong magkaanak ni Bawana, paraang naisip niya para mahalin siya ni Almiro na dahil lasing, ang tingin niya kay Bawana ay si Lara. Malalaman ni Bawana na ‘di siya puwedeng magkaanak at malalaman din ni Lara na buntis siya.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALJUR ABRENICA

ALMIRO

BATANGAS GOVERNOR

BAWANA

BIANCA KING

BOARD MEMBER

BODIE CRUZ

LARA

RYZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with