Emote ng tatay/manager, Iza 'di pa rin maalala ng Kapuso
Hindi lamang ‘yung mga ipinangako niya nung kampanya ang bibigyang katuparan ni Manny Pacquiao sa kanyang pag-upo bilang congressman ng Sarangani, buong tapang din niyang haharapin kung magkakasundo ang mga umaayos ng kanilang magiging laban, si Floyd Mayweather bilang pinaka-huling laban ng kanyang career.
Hanga ako kay Manny dahil nakikita ko ang sinseridad niya sa kanyang mga binibitawang salita. Humanga ako sa kanya na matapos ang eleksiyon ay nakipagkita siya agad kay Noynoy Aquino para i-assure ito ng kanyang suporta.
* * *
Hindi nga ba maganda ang patakbo ng GMA 7 sa career ni Iza Calzado? Nagrereklamo na kasi ang tumatayong manager niya at director din ng programa kong Walang Tulugan na si Lito Calzado, ang kanyang ama, dahil matagal na raw bakante ang kanyang alagang anak, walang ginagawa, sayang naman daw ang panahon nito.
Napapabayaan nga ba ang magaling na aktres? Aba sayang naman kung totoo. Pero akala ko, maraming plano para sa kanya, ano na ba ang nangyari dito, naging puro plano lang ba?
Dapat siguro, magkaroon ng pag-uusap ang management at si Lito. Magtanong siya ng mga kongkretong projects, baka naman nakaliligtaan lang ang anak niya ng mga bossing. Ganito kasi ang madalas nangyayari, na kahit malapit ka sa mga higher ups, kapag busy sila, ang tendency mas nakikita nila ‘yung mas malayo sa kanila. ‘Yung nasa tabi lang nila nakaliligtaan.
Wala namang masama kung humingi siya ng audience sa mga bossing, after all manager siya at hindi naman pipitsugin ang talent niya.
* * *
Mababawasan na ng isang napakagaling na performer ang bansa. Paano ba naman, talagang tuluy-tuloy na ang pagreretiro ng grupong APO. Mapapanood sila sa kahuli-hulihang pagkakataon sa Music Museum sa Mayo 27-29.
I’m sure magiging very emotional concert ito dahil talaga namang nakapanghihinayang na titigil na sa kanilang career ang grupo.
Alam n’yo, ayaw ko ng mga emotional shows pero mas ayaw ko namang hindi mapanood ang APO. Sure ako na magiging isa ito sa pinakamagaganda nilang konsiyerto. Hindi ko ito palalampasin.
- Latest